Chapter 34 Leaving To Paris

9K 230 12
                                    

Judah's POV

Sana hindi ko na lang dinala si Vale sa bahay habang masama pa rin ang tingin ng parents ko sa asawa ko. I want to protect my wife. Ayokong masaktan ng kahit sino man ang damdamin nito. She doesn't deserved it. Sana hindi ko nasaktan ang damdamin nito noon. Maraming sana na hindi ko na kayang ibalik pa ang nakaraan. Pero hindi pa huli ang lahat at kailangan ko lang itama ang pagkakamali. I will fulfill my role as a loving, responsible husband to my wife.

Tahimik lang sa biyahe si Vale habang pauwi kami sakay ng kotse. Ginagap ko ang mga kamay nito at pasulyap ko itong tiningnan. She is so beautiful as ever! I can't help myself to fall in love with her over and over again. Gosh! I am a lucky soul to have her. Naalala ko na naman ang napagkasunduan ko with her dad. Damn! I am going to keep her forever.

Napasulyap din ito sa gawi ko. "I think hindi na muna ako babalik sa inyo. Hindi pa rin ako tanggap ng Mommy mo kahit alam nilang panandalian lang ang kasal natin." Sabi nito habang nilalaro ng kamay nito ang mga daliri ko.

I held both of her hands and kissed them. "I am so sorry sweetie. Huwag na muna tayong bumalik sa amin. Dadating din ang panahon na malaman nila ang totoo. Ang importante, alam ko kung ano ang totoo and that's the most important thing. Just you and me." Sabi ko pa sa kanya sabay hila dito at yakap.

Hindi ko kaya ang mawala ang asawa ko sa tabi ko. Iniisip ko pa lang na aalis ito ngayong araw papunta ng Paris ay nalulungkot na ako. I helped her packed her things. "You have to take care of yourself. I will be with you in Paris in few days time." Sabi ko pa dito sabay yakap sa kanya ng napakahigpit.

She was looking into my eyes. "Kailangan mo bang sumunod sa akin doon Judah? Di ba nangako naman sila na babalik kami. Alam kong busy ka at andami mo ng oras na naibigay sa akin. You don't have to do that." Sabi pa nitong umiwas ng tingin sa akin.

I held her face with both of my hands. "You are worth my time. I will let you go for now but I will follow you. If I was able to find you before sa America. Kahit saan ka pa pumunta. Hahanapin kita at susundan kita." Buong puso kong pahayag dito. "Maaring nagkamali ako, pero hindi pa huli ang lahat. I am here to correct my mistakes and to prove this time how much I love you." Sabi ko sa kanya na nagpaluha pa dito.

Tumingin ito sa akin saglit. "Judah, please alam naman natin kung ano ang totoo. Di pa nga ba na nakipagkasundo ka pa kay Daddy? May pinirmahan ka pa. Alalahanin mo yon." Malungkot nitong paalala sa akin.

"Sweetie, pinagsisihan ko ang mga nagawa ko sayo. Ayokong mapawalay sayo. I will talk to Daddy about sa napagkasunduan namin. Nobody will take you away from me... No one! Not even your parents. Walang makapaghihiwalay sa atin." Sabi ko pa ditong sabay yakap sa kanya.

"Judah, we have to go now. Baka hinihintay na ako sa amin nila Mommy and Daddy." Sabi nitong gusto ng kumawala sa aking mga yakap. Hindi ako pwedeng magalit o magtampo sa aking asawa. Hindi ko siya masisisi kung bakit ayaw nitong maniwala na mahal ko na ito. Napakalaki ko rin kasing gago noong mga panahong galit ako sa kanya.

We are both seating at the backseat of the car when I heard my phone ringing. It was Tina calling. Nagtatanong lang ito tungkol sa negosyo na plano niyang i open. "Hey, I'm with my wife right now. I will call you back." Sabi ko pa dito sabay hang up sa phone.

Galit na tinapunan ako ng tingin ni Vale. "So, pag alis ko may pang palit ka kaagad." Sabi pa nitong may himig ng pag seselos ang boses.

"Uy sweetie, nagseselos. It's Tina asking for some advice about her plan of investing in a business." Pag explain ko pa dito sabay ngiti at natutuwa na nagseselos ang asawa ko. Ang cute lang niyang tingnan.

"Kasal pa tayo Judah. Hindi ka ba makapag hintay ng three months. Then you are free to screw anyone you want!" Galit pa nitong sabi sa akin.

Lumapit ako dito at binulungan ito sa tenga. "I only want to screw you. I'm addicted to you only" Sabay ko halik sa tenga nito as I give her some sweet tiny bites.

Bumulong ito sa akin. "Tumigil ka nga diyan. Nakakahiya at baka marinig ka nila." Ang tinutukoy niya ay ang driver at bodyguard.

Napapangiti na lang ako kay Vale. Atleast nagseselos na ito sa akin. May pag asa pa ang pagsasama namin.

Dumating kami sa bahay ng tama lang sa oras. Nagmano ako sa Mommy at sa Daddy nito. "Mommy, susunod po ako sa Paris in a few days." Paalam ko pa dito. "I already told Dad about it." Dagdag ko pa.

Napatingin si Vale sa akin. "Mommy sinabi ko naman po kay Judah na hindi na niya kailangan pang sumama." Sabi pa ni Vale sa Mommy nito.

"I thought Judah, we have an agreement na hindi ka na suunod pa sa Paris. You don't have to." Dagdag naman ng Daddy ni Vale.

Nagulat ako ng dumating si Marvin at ng parents nito. "Ready to go guys!" Ang masayang bungad ni Marvin.

"We are, but let's just eat dinner first." Sabi pa ni Daddy na natutuwa sa presensiya ni Marvin at ng parents nito.

Nagpaalam si Vale na aakyat lang sandali sa bedroom nito. Sinundan ko ito sa kwarto niya. Nang masara ang pinto, I was so furious. "So why is Marvin and his parents are going with you to Paris?" Nagagalit na na tanong ko pa dito. "So, is this getting to know each other between you two? Kaya pala ayaw mong sumunod ako doon." May pagtatampo ko pang sabi dito.

Tiningnan ako nito ng masakit. "Oo gusto nila si Marvin para sa akin!" Ang sagot nitong nagpabigla sa akin.

I am so fuming mad with jealousy right at the moment, that I left Vale's house right away. I need to be out of their house at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at magwala pa ako.

TO BE CONTINUED

The Runaway Nun (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon