Ara The Avenger's Aray!

4.1K 33 1
                                    

~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,

Ara's POV

"Ate Abi, joke lang yun diba? So, sino nga?" lagot! Hindi yata nagustuhan ni Mika ang news ni Captain

"Uy hindi ko kayo jino-joketime. Si Jeron Teng talaga yun sabi ni Thomas" Captain Maraño confirmed it! si Jeron nga ang secret admirer ko. Bakit? Bakit siya?

"Eh kaya naman pala eh. Unreliable ang source ng balitang yan!" sabi ko dahil ayoko talagang maniwala

"Ara naman, si Thomas na ang nagsabi! Kinwento sa kanya mismo ni Jeron na meron daw siyang inaadmire na volleyball player at nilagyan niya ng love letter ang locker nito." nagexplain na si reporter Abi

Napansin ko na unti-unti lumalayo sa'min si Mika hanggang sa umakyat na pala siya sa 2nd flr.

"Okaaay, gets ko na Ate Abi pero hindi pa rin ako makapaniwala" yan na ang sinabi ko para matapos na ang usapan at matignan ko na kung ano ang nangyari kay Bhes Mika 

"Hey, girl. Hanggang ngayon ba masama pa rin ang loob mo kay Thomas?" tanong uli ni Ate Abi. Hay, ang hirap naman tapusin nitong usapan na ito. 

"Parang ganon na nga. Sige Ate, magpalit ka muna ng damit." yun oh! case closed! :D

Umakyat na kami ni Ate Abi sa 2nd flr. Dumeretso si siya sa kwarto nila ni Ate Liss at ako naman, pinuntahan ko si Mika sa sala.

"Bhes, okay ka lang?" tanong ko sa kanya at medyo worried ako

"Ako? Oo naman Bhes. Ang saya nga ng tanghali natin dito oh, nood-nood na lang" sagot niya pero alam ko hindi siya okay

"Hindi ka naman naniniwala na si Jeron yung nagbigay sa'kin nung love letter diba?" sabi ko at hinawakan ko ang dalawang kamay niya at tinignan sa mata

"Ah yun ba? Oo, medyo unbelievable pero posible naman eh. Maganda ka, magaling, mabait. May magkakagusto talaga sa'yo" sagot niya pero hindi siya makatingin nang deretso sa mata ko

"Pero Bhes, diba crush mo siya?" nagtanong ulit ako at medyo nagi-guilty ako dahil tinutukso ko pa siya kanina =(

"Nako naman Bhes. Wag kang mag-alala, crush ko lang yun at... at hindi na hihigit dun ang pagtingin ko sa kanya" bakit ganyan ang sinasabi niya? Kanina nung kwentuhan namin parang patay na patay siya kay Jeron tapos ngayon sasabihin niya crush LANG. Napipilitan lang yata itong kausap ko. Sa boses niya pa lang, parang maiiyak na siya. 

"Ano yang pinapanood niyo?" ayan lumabas na si Ate Abi mula sa kwarto

"Ang bilis mo namang magbihis Captain. Beach Volleyball lang ito ng FIVB"  lumingon ako kay Ate Abi, kasabay nito napansin kong nagpahid ng luha si Mika =(

"Ah oo. Ito pala yung replay nung last season. Nga pala, sabi ni Thom sorry na daw." ito naman ang pag-uusapan namin ni Captain

"Okay, hayaan mo siya Ate Abi. Wala na akong pake dun" yeah right! Pag nakita ko talaga yung lalaking yun, mahahampas ko siya dahil sa pagiging Gentleman at pagbigay ng maling impormasyon kay Ate Abi >:D

"Oo. Sabi ko nga sa kanya mas maganda kung sa'yo siya magsosorry nang personal."

"Nice! Sige, paghahandaan ko ang pagkikita namin" ang weird! Bakit parang naexcite akong makita siya?

I Love you Yesterday, Today and ThomaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon