Me and Ara Makes Agree and Makes Amin???

3K 41 1
                                    

~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,

Mika's POV

Wahahahaha! Hahahaha! AHAHAHA! Tawang-tawa pa rin ako hanggang ngayon! Bakit? Dahil naisahan ko si Victonara! --oops! Ara lang pala, ayaw niyang tinatawag siya nang ganun. Hehe. Ang kulit lang nung showdown namin ng mga makabasag-sementong spikes at  mga mala-ElastiGirl na mo moves para lang ma-save ang bola. Sa unang round nanalo si Ara dahil dinistract niya ako, ANDAYA!!! Tuso itong Bhes ko ah, sabihan ba naman akong dumating bigla ang crush kong si Jeron Alvin Uy Teng? Edi syempre, umasa akong nandyan nga siya kaya lumingon ako. Ayun, wala si Jeron, nadisappoint ako at namatay sa'kin ang bola. :\

Second round, babangon ako at dudurugin kita Ara! Isang spike ka lang! Ay joke, maraming spike pa pala ang kailangan ko. Rookie of the Year itong kaharap ko eh. Ngayon medyo nang-aasar pa siya. Iniinggit niya ako sa dinner date daw nila ng "crush-but-not-so-official-crush-kasi-friends-lang-DAW-talaga-sila" sa Kenny Rogers, samantalang kami ni Jeron sa McDo lang. Hmmm... eh kung marinig kaya iyan ni Thomas? Hahaha, bright idea! Pagkaspike ko, nagkunwari akong may kinausap

"Uy si Thomas! Thomas, totoo ba yun?"

Binalik muna ni Ara sa'kin yung bola sabay lingon, akala niya siguro binaba siya ni Thomas na nasa 9th floor ngayon.

"Uy Thomas Joke--"  sabi niya hanggang sa narealize niya na inuto ko lang siya at natalo siya. Wahahhaha! Amanos na tayo!

Ngayong 3rd round ng showdown namin, malaki ang nakataya. Kapag ako ang nanalo, aamin si Ara sa buong team na crush niya si Thomas. Sabi niya hindi daw yun totoo pero pumayag pa rin siya, ayieee! Kunyari pa si bhes ha? Kapag siya naman ang nanalo, aaminin ko na sa buong team na may pagtingin ako kay Jeron Alvin Uy Teng. Ayos lang kung mangyari yun, atleast magiging malinaw sa kanila na off-limits na sila sa Jeron ko. Ahihi xD

Habang sagutan kami ng spikes at digs, palitan din kami ng mga pang-aasar na nakakaasar dahil halatang distraction lang. Pero dahil matalino at maganda ako, alam ko na kung alin ang totoong "nandyan si Jeron" at ang nakakalokong "nandyan si Jeron. Pag sa totoong nandyan si Jeron, maririnig ko yung *ting* ng elevator. Pero pag walang *ting* wala siya. So ang motto ko: Walang ting, Walang TENG! Wahaha, ang corny ko.

Ayun, sinubukan na ni Ara na sabihing nandyan si Jeron. Syempre walang ting, kaya hindi ako lumingon. Sabi ko sa kanya:

"Asa ka naman Torres! Hindi naman tumunog yung elevator eh! Wala dyan si Jeron. :p"

Wahaha, wala yan Ara, mag-isip ka ng ibang distraction. Kung wala ka nang maisip, ihanda mo na ang sarili mo sa pag-amin \:D/

Ako, chill lang. Hindi ko iniisip na matatalo ako, kasi anuman ang mangyari, plano ko na talagang aminin sa team yung sikreto ko. Si Ara naman, todo-deny sa kanyang Conyo Crush.

"Asa! Wala akong gusto dun sa conyong iyon! Ang kulit kaya nun magsalita, haha."

nice! Sakto namang dumating si Conyo, mula sa hagdanan. Ang galing ng timing mo boy! 

"Ouch! Thomas, conyo ka daw oh."


Dahil hindi tumunog ang elevator, hindi naniwala si Ara

"Wala yan Bhes! Hindi nga tumunog yung elevator eh"

Aba confident pa ang tono ha? Pero ang tuhod, nanginginig na sa kaba at nerbyos. Tamang tama, distracted na si Ara,  nilakasan ko na ang spike ko. 

I Love you Yesterday, Today and ThomaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon