Habagat Holidays Part II

2.3K 35 10
                                    

Chapter 28: Habagat Holidays Part II

~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,

Ara's POV

Hmmmm... ang hirap pala magluto pag walang kuryente noh. Malamang sa ibang dorm na balak naming puntahan, namomroblema din. Kumusta kaya sa dorm ng MBT? Si Thomas kaya  kumusta sa condo niya? Text ko nga...

Write new message...

Yo Thom! May rice ka ba dyan? ^^

Kaso naisip ko bumibili lang yata siya ng kanin sa mga kainan sa baba ng condo niya eh. Baka dun na siya kakain eh. So delete delete.

Si Mark kaya? Kumusta yung dorm nila? Hmmm.... hingin ko na lang kay Thomas yung number niya! ^_^

11:14am, Me:

Good morning Thomas! Pa-send naman sakin ung number ni Mark. :)) thanks in adv. 

Medyo matagal siyang magreply. Siguro nung malaman niyang walang pasok, nagpaka-busy na siya sa paglalaro ng kung anu-anong trip niyang video games.

So, ano'ng sitwasyon namin ngayon? Heto, dahil nga wala pa kaming kanin at manlilimos kami sa mga dorm :((

Joke! Magiging masaya ito noh, malay mo may ma-meet kaming bagong friends. Diba diba? Handa na kami sa aming misyon. Medyo maulan pa rin kaya't dala namin ang aming mga sandata, buksan ang mga payong! fluk! fluk! fluk!

Solo si Ate Wensh sa kanyang payong. Dapat kasama si Ate Mich kaso ayaw niya daw muna lumabas ng bahay. Red day niya yata... Si Cienne at Kim share sila sa pangalawang payong. Kami naman ni Mika ang--- teka antagal naman ni Mika. Sabi niya kukunin niya lang cellphone niya eh. Baka naman kinain na siya nung cellphone niya?

"Tara-tara." lumabas na rin si Mika at tumayo sa ilalim ng payong ko

"Antagal mo naman." sabi ko sa kanya

"Sorry naman Bhes!"

Nagsimula na kaming maglakad sa katapat naming dorm

"Nakuha mo ba cellphone mo?" tanong ko

"Iniwan ko na lang. Lowbat na din kasi eh." ang shunga din nito ni Bhes, umakyat pa wala rin namang napala. 

First and foremost, una sa lahat, pinakay kami sa dorm nila Ate Cyd. Dito rin sina Carol, Rochelle at Ate Alex. Ang sumalubong sa'min sa pinto, si Carol.

"Oh, dorm-hopping ba ang trip niyo ngayon? Pasok." at pinapasok niya kami sa dorm nila na kamukhang kamukha ng dorm namin. Bale mirrored image lang at walang 3rd flr.

"Uy! Naligaw yata kayo?" sabi ni Rochelle, ang alternate ni Ate Liss sa pagiging libero

"May ano kasi kami eh..." panimula ni Ate Wensh. Dahil siya ang pinakamatanda sa aming lima, siya ang leader sa misyong ito

"Kailangan niyo ng bawang?" lumabas si Ate Cyd na naka-apron mula sa kusina

"Ah hindi Cyd. Itatanong lang sana namin kung..." medyo hindi sigurado si Ate Wensh sa sasabihin niya kaya tumi-tingin siya sa amin. "...kung nakapagsaing na ba kayo?"

I Love you Yesterday, Today and ThomaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon