JAMMING(JustAMinorMisunderstandING)with Jeron&Thomas

2.9K 27 2
                                    

~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,

Jeron's POV

9th week na ng 1st term ko dito sa DLSU. 5 weeks from now Finals na. So far okay naman yung academics ko. Sa basketball naman, fair din. Out of 7 games sa first half ng elimination round, 4 ang napanalunan namin. May almost 3 weeks kaming pahinga before magstart yung second half. Pero yung training namin consistent pa rin.

Until now, not in good terms pa kami ni Thomas. Lagi pa rin niya akong iniiwasan. It's funny seeing him scrambling for an escape from me, the King Archer. Just kidding, I don't consider myself as a king :D 

End of training! and here comes yung disappearing act ni Thomas in three counts.

1. Kuha ng gym bag

2. Takbo sa elevator

3. Sakay sa elevator at... Wala na si Thomas :O Magic!

The show is over, kaya ito, tinatawag ako ni Coach Juno :O

"Yes coach?"

"Is there something wrong going on between you and Thomas?" straightfroward niyang tanong

"Uhmm coach, wala po. Misunderstanding lang po" 

"Are you sure that's it?" patay tayo dyan, hindi ako makalusot kay coach

"Opo coach. Konting tampuhan lang po" konti nga ba talaga?

"Sorry kung medyo personal yung mga questions ko pero I can't help but notice yung treatment niyo sa isa't isa." ang galing naman ni Coach Juno, napansin niya yun? Psychologist din pala siya :D

"Ah, sige po coach aayusin po namin ito. Pasensya po."

"Then that's good. Ayoko ng may conflict sa team. Dahil diyan affected din yung previous games natin. I expect na sa mga succeeding days improved na ang performance niyo during trainings. Do I make myself clear?"

"Yes coach, naiintindihan ko po."

"Sige, you may go. Yun lang naman ang concern ko. Have a good night rest and I'll see you again tomorrow morning."

"Alright po. Thank you po coach!" whew, na-HOT SEAT ako! Pero alam ko namang hindi ako mapapahamak kay Coach Juno. Among our coaches, siya yung pinaka-"chill". Thankful ako kasi hindi ako natulad sa kuya ko na may Growling coach :))

Sobrang okay si Coach Juno. Wala siya masyadong emotions to show pero you'll know naman kung pleased siya sa perrformance mo. Basta ang gusto niya may consistency, improvement and progress sa bawat araw. Naalala ko nung summer, yun yung una ko siyang maencounter sa training. Wala kasi nun si Coach Gee(head coach) kaya si Coach Juno yung nagmoderate sa training namin. Sabi niya nun sakin, wag ko daw intindihin yung pressure ng pagiging younger brother ni Jeric Teng. Basta ienjoy ko yung game ko. With that enjoyment, magb-burst forth ang skills ko.

Anyway, stop na tayo sa memory lane...

Bumalik ako sa bench. Nasa shower room or umalis na yung teammates ko, kaya wala ng ibang laman yung bench except for my gym bag, my wet shirt and... a card holder? Oh, tsk tsk tsk. Kay Thomas yata ito. Sa sobrang rush naiwan na. I checked kung ano yung laman. Wala naman akong intention na nakawan itong so-called friend ko so wag niyo akong husgahan agad.

Sa isang side, nandun yung DLSU ID niya at. Sa kabila naman may membership card. Sa pocket may P500 bill, Rich kid! Tsaka meron ding  susi. For sure sa locker niya ito.

I Love you Yesterday, Today and ThomaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon