Chapter 26: Dormitory Dialogues
~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,
Ara's POV
"Ah Mama mano po pala" heto ang kuya mabait, magmamano nga pala dapat"Mama mano po..." syempre pinahid ko muna yung kamay kong may laway(ni Kuya) sa t shirt ni kuya
"Mama ako din!" Baby josh ang huli
"Tama ba yung narinig ko? Ikaw Ara may boyfriend?" tanong ni Mama. Hindi ko alam kung nagtataka ba siya o nagagalit
"Mama hindi po! Wag po kayo maniwala diyan" sabi ko at lapit naman kami kay Papa para magmano din
"Araaa..." sabi ng Papa ko. Medyo malumanay at mabagal ang pagkakasabi. Nakakatakot ito :0 sabi nga nila, kalmado lang ang dagat bago dumating ang dilubyo... Teka, may ganun ba talaga?
"Papa...?" sagot ko
"Ano'ng sinabi ko nung nagsimula kang mag-dorm?" kalma pa rin siya
"Aaaah, wala po munang boyfriend. Pag may manliligaw dapat magpunta dito sa bahay" sabi ko sabay isang mabilis na "Pero papa hindi naman yun totoo eh. Wala po talaga akong boyfriend, tanong niyo papo kay Joshy" teka, bakit si Joshy? inosente pa siya!
"Uy Josh diba kanina nakita mo may kasama si ate? Diba? Ano ulit yung name niya?" Kuya Jun naman eh, dinidiin pa talaga kasi oh.
"Opo, si Kuya Thomas ang pangalan niya." Grabe lang Josh! Di mo alam na pinahamak mo ako :'(
"Ahhh ganun ba? Sige kain na muna tayo, mamaya na tayo mag-usap." sabi ni Papa. Nakakainis na nakakaiyak!!! x'( Paano kung di ako paniwalaan ni Papa? Paano kung hindi niya na ako payagang magdorm? Paano kung hindi na ako makapaglaro? Paano kung di na kami mag 3peat? HUHUHUHU!
Hay nako! Kung hindi ko lang kapatid yang Junior ni Papa....... ughhhh. Kainis naman kasi eh. Akala niya nakakatuwa eh, pangiti-ngiti pa sakin. Hmph!
Ngayon, ang tahimik ng dinner namin. Dahan-dahan kaming humarap sa bilog na mesa. Katabi ko si Kuya Jun at si Papa. Tahimik na dasal, senyasan lang sa pag-abot ng ulam, bubuka lang bibig kapag susubo. Yung banggaan ng kubiyertos, yung nguya ni Baby Josh at yung DUG-dug-DUG-dug-DUG ng puso ko lang ang naririnig ko.
Ramdam na ramdam ko na yung tensyon. Medyo blurr na yung paningin ko dahil sa mga luha na hindi ko alam kung bakit trip nilang lumabas. Tuloy lang ang kain, pinilit kong wag maluha. Inisip ko kanina ang saya saya kong nanonood nung play. Inalala ko yung mga nakakatawang parts. Hahaha, natatawa pa rin akong konti.
Kaso ngayon, bakit biglang nawala ang saya? Nararamdaman ko parang may bumabara sa paglunok ko. Sinubukan kong uminom ng tubig at nawala naman. Sa konting galaw ng mga mata ko, tuluyan nang tumulo ang ilang luha.
Pinunasan ko ito kaagad dahil ayokong umiyak lalo na pag lahat sila nakakakita. Yung luhang pinunasan ko, sinundan na rin ng ilan pang patak ng luha.
Syempre napansin na rin ni Papa ang nangyayari sa'kin.
"Huy Victonara, ano'ng nakakaiyak?"
BINABASA MO ANG
I Love you Yesterday, Today and Thomara
FanfictionThis is another Thomas Torres and Ara Galang fanfiction. I will give my best in making their story more realistic and believable. Enjoy reading!