Thomas' Point of View:
Nandito ako ngayon sa isang elevator sa La Salle. I really don't know which building. Basta ang huli ko lang na natatandaan ay nanonood ako ng News habang nakahiga sa kama ko sa Condo [rich kid!]. I guess I'm dreaming pero ayoko munang magising. So yun, pataas nang pataas yung elevator at medyo dizzy na ako. Bumukas yung elevator door pero wala namang tao. Sumara siya ulit at may narinig akong sumigaw.
*toooooooot*
Ayan nagising ako at nagsign-off na pala ang tv channel na pinapanood ko. Tinurn-off ko ang tv at bumalik na sa tulog. Binalewala ko na lang yung dream ko.
Dahil medyo eager akong magtraining on my own, nauna pa akong magising sa alarm ko. Grabe, rare ang feeling na ito pag Monday morning. Nilagay ko sa microwave at kinain ang sandwich na prinepare(prepare) ko kagabi. Uminom ng hot choco at nagshower na. Lumabas na ako sa unit ko. Hawak ko sa left hand ang aking sports bag with my phone and PE shirt and all my Monday stuffs inside. Sa right hand naman ang ID ko kasama ang basketball ko na Spalding sa right arm.
Paglabas ko sa EGI Taft Tower(where my condo unit is), I went straight sa Razon Sports Complex. Habang hinihintay ko ang elevator, medyo kinabahan ako. I remembered my dream last night at malapit na akong pumasok sa elevator. Anyway, I have my phone inside my bag if ever matrap ako.
*Ting*
Ayan na, so I stepped in. Pasara na yung door at may narinig akong sumigaw ng "Wait!!!"
Kasabay naman nito ang pag-ring ng alarm sa phone ko. Fudge! Medyo nakaka-panic ito. Nakatingin lang ako dun sa babaeng sumigaw at di ko na alam kung ano ang gagawin. Hindi ko na napindot yung at nakaka-tense pa yung alarm tone. Nabitawan ko yung basketball sa arms ko at pinatay ko agad yung alarm.
Pagdating sa 2nd flr ay bumukas yung pinto pero walang tao. Hawak ko pa rin yung phone ko (just in case may mangyari!) Sumara na ulit at pagdating sa 3rd floor *ting*
Bumakas ulit sya o.o
Yung babaeng sumigaw kanina, pumasok at sinipa yung basketball na nakaharang pala sa entry point nya. Hingal na hingal siya ngayon.
Sabi ko "Miss, are you okay?"
"Seryoso ka?!", sabi nya in a masungit voice "dahil sa'yo tumakbo ako mula ground flr hanggang 3rd, nilagay mo pa yung basketball sa dadaanan ko tapos itatanong mo kung okay ako?!"
Woah! Siga si ate, nakakatakot parang gusto niyang bigyan ako ng black eye. I stayed calm dahil ayokong maglaro sa UAAP nang may black-eye.
Sinabi ko na lang " I'm sorry for that, di ko naman kasi narinig maigi yung 'wait' mo"
Medyo mataray pa din siya, sabi nya "K.Fine!"
Inoffer ko sa kanya yung water galing sa bag ko pero hindi nya inaccept kahit sinabi kong hindi ko pa yun naiinuman.
Judging from what she is wearing, volleyball player siya. Atleast similar ito dun sa nakita kong suot ni ate Abby na volleyball player din. Ate Abby nga pala is 3rd yr na. Nakilala ko siya dahil pareho kaming nasa College of Liberal Arts at pinakilala ako sa kanya nung isang upperclassmen para daw mabigyan niya ako ng tips sa pagiging student-athlete.
Medyo fast play ang mga happenings at nasa 9th floor na kami. Pinauna ko na siyang lumabas para wala ng gulo. At doon nga nakita kong nagtra-training ang DLSU Lady Spikers. Dahil occupied na nila yung isang buong court, dun na lang ako nagpractice ng dribbling skills at shooting skills sa isang half court.
Nung medyo napagod ako pinanood ko muna ang training ng Women's Volleyball Team. Grabe din pala sila magtraining parang gusto na nilang pulbusin yung bola. Tina-try kong hanapin yung may number 2 sa jersey, si Ate Abi. Kaso nakakatakot silang tignan eh, lalo na yung number 8 na nakasabay ko some minutes ago. Badtrip yata siya sa akin kaya ganoon siya magspike. After ilang minutes ay nagbreak din sila at nagcontinue na ako sa paggawa ng drills. Sinubukan ko din ang pagshoot mula sa free throw line. First attempt ko pasok! 2nd pasok din! at yung 3rd...
BINABASA MO ANG
I Love you Yesterday, Today and Thomara
FanficThis is another Thomas Torres and Ara Galang fanfiction. I will give my best in making their story more realistic and believable. Enjoy reading!