Pineapple of My Eye ;)

2.2K 31 4
                                    

 Chapter 29: Pineapple of My Eye ;)

~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,

Mika's POV

Sa wakas, nakalabas na din kami sa dorm ng Archers. whew. Salamat na lang at wala dun si Jeron. Pauwi na kami ,si Bhes na lang ang kulang, pinagtake-out siya ni Kuya Luigi eh.

Hintay hintay hintay habang nasa ilalim ng mahinang ulan... Tapos may sumulpot na dalawang mama. Oh my Je----. Nagkasalubong yung mga mata namin. Hinarang ko naman yung payong para makaiwas sa nakakatunaw niyang tingin. Nyihihi, takut aku...

Palapit na sila dito. Please Jeron, wag mo muna akong pansinin... wag mo muna akong kausapin... di ko kayaaaa! Bulong ko sa sarili ko habang dumadaan sila ni Thomas sa gilid namin.

At iyon, hindi niya ako pinansin, thank you Jeron! Haha. Grabe, parang dati lagi kong winiwish na mapansin niya ako, tapos ngayon, pambihira, natuwa ako dahil hindi niya ako pinansin. Nababaliw na yata ako.

 ,

,

,

Si Ara naman mukhang natataranta. Ang bilis ng lakad niya. Dapat sinasabayan niya ako dahil hawak ko yung payong. Pero ewan ko ba dyan, nakita lang si Thomas napraning na. Binilisan ko na lang din maglakad para hindi siya mabasa ng ulan.

 ,

Pagdating sa dorm, nagsaing kami tulad nung tinuro ni Ate Cyd.  Tapos sinabayan na namin sina Captain sa pagkain nila. Ang sarap sanang kumain ulit, kaso wala na masyadong space sa tiyan ko kaya hinay-hinay lang.

Pagkatapos ng kain-hugas-ligpit, umakyat na kami ni Bhes sa kwarto. Tinignan ko yung cellphone ko. Nakalagay na may 3 missed calls ako at 2 new text messages.

11:23am, Jeron Teng <3

I'm sorry kung di mo nagustuhan ung sinabi ko kanina, pero lahat yun, it's true. Sana wag k na magalit.

 ,

 ,

11:46am, Mama:

Musta kayo dyan anak? Baha n b sa Taft? Ingat kayo lagi ah. Luv u always anak.

 ,

Nireplyan ko agad si Mama.

,

12:26pm, Me:

Yes Ma, ok lng kami dito. Baha nga sa Taft kaya wala kami pasok today. Love ko din kayo diyan Ma. ;)

 ,

Para naman sa text ni Jeron... hindi ko maisip kung paano ako magrereply... Tingin niya nagalit ako kaya nagsosorry siya. So dapat siguro magreply ako ng I forgive you ? Ewaaaaaan... Tanungin ko nga itong si Bhes Ara na busy din sa cellphone niya.

 ,

"Hoy Bhes!" sindak ko sa kanya at tinago niya ang cellphone niya sa ilalim ng unan niya. 

"Oh?!"

"Huli ka! Hawak mo na naman ang cellphone mo. Itatago mo pa ha? xD" kantiyaw ko sa kanya

"Eh ano naman? Huli ka rin!!! Diba sabi mo kanina nagchacharge ang phone mo? ... Eh brownout kaya!!!" ay, nahuli din niya ako. Pero bakit parang ngayon niya lang nagets? Hahaha

"Aba wag mo baguhin yung topic... Ano nangyari kanina nung? Nagkita kayo ni Thomas noh??? Yieeee!" bawi ko sa kanya

"Edi nagkita lang kami... Parang kayo ni Jeron hindi nagkita ah. Magkwento ka naman Mika Teng!" ampanget nun! Parang makating makati!!

I Love you Yesterday, Today and ThomaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon