Unexpected Text. Unforgettable Tuesday!

3.4K 39 2
                                    

~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,

Ara's POV

Simula nung makita namin si T.T. sa Agno, padalas na nang padalas yung mga panaginip ko tungkol sa kanya. Ito yung latest na panaginip ko:

 Parang de javu lang ang peg nitong napaniginipan ko. Nasa locker room ako sa Razon, tapos pagbukas ko nung locker ko namangha ako. Walang laman! Ang linis niya. Nilock ko na ulit at pumunta na ako sa elevator. Hindi nagtagal, dumating na rin yung elevator sa ground floor at sumakay na ako. Medyo creepy yung pakiramdam, sobrang tahimik at wala akong kasama. Nagfi-flicker din yung ilaw.

Sa 3rd flr, biglang bumukas yung pinto ng elevator. Ayun, si Thomas Torres! Sa wakas may kasama na ako. Medyo weird dahil hindi kami nag-usap at hanggang ngayon nagfi-flicker pa din yung ilaw.

"Thomas," sabi ko at medyo nanginginig na sa takot ang boses ko.

Hindi siya kumibo at parang hindi niya rin ako naririnig.

"Thomas Torres!" sinabi ko nang mas malakas pero hindi pa rin siya sumagot o kahit tumingin man lang.

Sa 7th flr, tumigil ulit yung elevator at mukhang lalabas na si Thomas. Medyo weird talaga yung panaginip ko dahil parang takot na takot akong maiwan mag-isa sa elevator. Hinawakan ko yung braso ni T.T. pero wala pa rin siyang kibo.

"Thomas, wag mo akong iwan! Please!" sabi ko habang umiiyak. Tuluy-tuloy lang siya naglakad palabas ng elevator at parang balewala lang yung paghila ko sa kanya.

Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari, basta ayokong pakawalan si Thomas. Niyapos ko na siya nang mahigpit at nagpapakakaladkad na lang ako kung saan siya pupunta.

Nung magising ako, nakayakap ako nang mahigpit dun sa unan ko. Ayy parang tanga lang ako. Ang weird din nung panaginip ko. Anong oras na ba? Tinatamad pa akong bumangon kaya kinapa ko na lang yung cellphone ko gamit yung paa at kamay ko. Ayun, nakuha rin. Nakita ko 4:47am pa lang. Ayos, pwede pa ako matulog nang lagpas isang oras. 8:00 pa naman ang pasok ko eh, tsaka wala kaming training, Tuesday eh :D

Pipikit na sana ako kaso biglang nagvibrate si cellphone. Ay may nagtext, sino naman kaya ang magtetext nang ganito kaaga? Hala ka! Totoo ba ito, si Thomas Torres??? 

4:48am, Thomas Torres:

Ara, I'm free from 8 - 9:40 today. I hope we can talk na :)

Ay, nagvibrate, may text ulit

4:48am, Thomas Torres:

Free din ako 11:40 - 2:40. Text me na lang kung what time ka available ^^

Part pa din ba ito ng panaginip ko? Si Thomas Torres, makikipag-usap na sa akin? Basahin ko nga ulit. Aray--! Kainis naman itong cellphone na ito, nahulog sa mukha ko. Teka, hindi nga ito panaginip! Gising ako, gising ako! Ito nakaupo na ako sa kama ko. Binasa ko ulit nang paulit-ulit yung dalawang text message hanggang sa naabsorb na ng utak ko yung nangyayari. Salamat Lord, dumating na rin yung araw na ito!

Bigla kong nakalimutan kung anong oras ang vacant ko pag Tuesday. Wait, wait... Ay sayang, may class ako from 8-9:30 :(. No choice, sa tanghali na lang. So, ang last kong class, 11:20-12:20. Edi, paghihintayin ko pa si Thomas nang 40 mins kung 11:40 ang start ng vacant niya. Naku, baka mainip yun :( 

I Love you Yesterday, Today and ThomaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon