~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,~'~,
Ara's POV
Sa Dorm:
"Huy kayong dalawa? San kayo nanggaling?" tanong samin ni Ate Abi na parang nanay namin
"Ah, mano po Nay. Nandun lang po kami, nagkwentuhan lang po." sagot ni Mika kay Ate Abi at natatawa si Ate Mich hahaha
"Eh kala ko ba may imi-meet kayong guy?" tanong ni Ate Wensh
"Ah, eh palusot ko lang yun para makaalis na kami. Ang awkward kasi ng pinag-uusapan niyo eh" sabi ko at biglang may dinugtong si Mika
"Pero kanina, may na-meet ngang guy itong si Ara"
"Eh sino naman? Prof niya? hahaha" sabi ni Ate Mich
"Nope. Hulaan niyo..." Pa-suspense ni Mika
"Si Jeron!" fail na sagot ni Ate Wensh
"Ano ka ba?! Kasama nga natin siya diba" ayan nakatikim siya ng hampas kay Ate Abi "alam ko na, si Thomas!"
"Tama!" cinonfirm ni Mika -.-
"So, kamusta?" sabi ni Captain. At tinuro lang ako ni Mika
"Mahabang storya Ate." sagot ko. Di naman siya mahaba eh, ayaw ko lang ikwento. Nakaka----grrrrr, ugh ewan tsk!
"Bakit naman mahaba? Ilang araw ba kayong nagkasama?" grabe gusto talaga nilang malaman
"Four! Four-ever yan!" waley na banat ni Mika. harhar! xD
"Ehhh. Ang hirap ikwento eh. Medyo nakakahiya rin." sabi ko. Sana naman tigilan na nila ang usapang ito
"Nakakahiya? Kwento mo na, tayu-tayo lang naman oh." insist ni Ate Abi
"Oo nga, tsaka okay lang yan. Mahal ka namin kahit ano pa ang nangyari" sabi ni Ate Wensh. Na-touch naman ako :>
"Kasi... medyo nagalit siya sa'kin." sabi ko at nakakunot naman ang noo nila, "dahil daw, ang demanding ko magsorry...."
Nakinig naman sila sa aking disappointing na kwento. Mula dun sa pagtawag ko sa kanya ng paulit-ulit hanggang dun sa part na umalis na ako."Okay lang yan girl, atleast narealize mo yung mali mo at for sure magkaka-ayos kayo niyan ni Thomas" comfort sa'kin ni Ate Mich
"Oo nga. Kung hindi man kayo magka-ayos, may Jeron ka pa naman eh" medyo pang-asar ni Ate Wensh
"Hala Ate, bakit naman kay Jeron agad napunta ang usapan?" sabi ko dahil gusto kong tigilan na nila ang pang-aasar sakin tungkol kay Jeron.
"Oo nga, for sure naman magkaka-ayos kayo. Mabait kaya si Thomas at mas bagay kayo!" hindi ko man masyadong gusto itong sinasabi ni Ate Abi, okay na rin para matigil na ang *Jeron and Me* talks
"Mas boto ako kay Jeron. Taller kay Thomas, white and handsome." sabi ni Ate Wensh
"Ako, okay sa'kin kahit sino sa kanila basta mahal mo!" naks gumaganon si Ate Mich
"Oo nga Bhes, kung papipiliin ka sino ba ang mas matimbang sa puso mo?" tanong ni Mika. Ang lakas magtanong nito oh. Porket alam niyang hindi ko pipiliin ang Jeron niya. Ayoko ngang pumili :p
BINABASA MO ANG
I Love you Yesterday, Today and Thomara
FanfictionThis is another Thomas Torres and Ara Galang fanfiction. I will give my best in making their story more realistic and believable. Enjoy reading!