Prologue

1.9K 45 3
                                    

LIVING WITH A SNOB PRINCE
by zacmarquez71




PROLOGUE..



XENIA's POV:




"Lumayas ka dito! Wala ka din namang silbi! Mana ka sa mga magulang mong walang kuwenta! Lumayas ka at 'wag na 'wag kang babalik! Kaya mo naman sigurong mabuhay mag-isa eh!"

Panay ang patak ng luha ko habang tinutulak ako ni Tiya Boom paalis ng bahay nila. Simula nang namatay sina Mama't Papa eh dito na ako kila Tiya Boom nanirahan. Bata pa lang ako noon kaya napilitan siyang kupkupin ako. Pero dahil nasa tamang edad na ako eh pinapalayas na niya ako.
Kahit papaano eh nagpapasalamat parin ako kay Tiya kasi pinag-aral niya ako. Kahit minamaltrato niya ako eh siya parin ang dahilan kaya buhay ako ngayon.
Kaya tanggap ko na. Okay lang sa'kin na umalis. Kaya ko naman siguro eh.

"Ti-tiya B-boom, opo aalis na po ako. S-salamat po sa pag-aalaga sa'kin. S-sige po. Alam ko pong pabigat lang po ako kaya naiintindihan ko po kung bakit gusto niyo akong palayasin. 'Wag niyo pong kakalimutang uminom ng gamot at kumain po kayo nang maayos." Mangiyak-ngiyak na pagpapaalam ko kay Tiya habang yakap-yakap ang ilang mga gamit ko na pinagbabato sa'kin ni Tiya kanina.

"Asus nag-drama pa! Leche! Alis na nga! Oh 'yan, limang-daan pang-kain mo. Dali alis na!" Sigaw ni Tiya saka ako sinaraduhan ng pinto. Kasabay n'on ay ang pagpatak ng mga luha ko.

*sniff*

Kaya ko 'to. Sapat na ang tulong ni Tiya. Pwede naman akong maging working student. Ako yata si Xenia kaya alam kong kaya ko 'to.

*sniff* Ang uunahin ko ngayon ay ang paghahanap muna ng matutuluyan.

Umalis na ako bitbit ang mga ilang gamit ko kasam na d'on ang family picture namin n'ong eight years old pa lang ako. Pinunasan ko nang maigi 'yong luha ko tsaka ako ngumiti para palakasin ang loob ko.

Fighting!





"Hello, 'Ma, 'Pa. Kamusta na kayo?"

Bago maghanap ng matutuluyan, naisipan ko munang dalawin ang puntod nina Mama't Papa. Matagal na din kasi n'ong huli ko silang bisitahin.

"Mama, Papa, binalita na ba sa inyo ng anghel na pinalayas na ako ni Tiya Boom? Kung oo, 'wag po kayong mag-alala kasi maganda pa din naman ako. *Sniff* Kaya ko po ito." Nagsimula na namang dumaloy ang mga luha ko.

"Pero kung hindi niyo sana ako iniwan, sana hindi ako nakaranas ng pagmamalupit kay Tiya. Sana masaya ako ngayon. Sana hindi ako nahihirapan ngayon!" Ewan ko pero bigla ko na lang naisip ang mga bagay na 'yan. Hindi ko naman sila sinisisi. Ang sakit-sakit lang kasi eh.

"'Ma, 'Pa bakit niyo kasi ako iniwan? Diba nag-promise kayo na babalik kayo? N-na may pasalubong kayong maraming-maraming chocolates? 'Ma, 'Pa, bakit? Anong kasalanan ko? Bakit niyo ko iniwan?!" Napataas na ang boses ko pero wala akong pakialam. Gusto ko silang tanungin kung bakit kahit alam ko namang hindi sila sasagot.

Matagal na ang aksidenteng kumitil sa buhay ng mga magulang ko pero parang kahapon lang ito nangyari kasi hanggang ngayon sariwang-sariwa pa din 'yong sakit eh. Masakit kasi n'ong bata pa lang ako eh ulila na ako.

Ngayong malaki na ako, isang ganap na dalaga, siguro oras na para magsarili. Kailangan kong naging matatag upang maiahon ko ang sarili ko sa pagkalugmok.








Tulala ako habang naglalakad sa kalsada. Walang kabuhay-buhay. Lutang.

Kaya hindi ko na napansin ang mabilis na takbo ng isang sasakyan.

Mabilis ang mga pangyayari. Bigla na lang akong napahandusay sa kalsada na manhid ang katawan.

Basa ako. Basang-basa at naliligo sa sariling dugo. Nakaramdam ako ng pagkahilo at sakit ng ulo. Nanlabo na rin ang paningin ko.

M-mamamatay na ba ako? Mama, Papa, see you soon...

Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay, may narinig akong ginang at halata sa boses nito ang matinding pag aalala.

"Oh my God! What have I done?! I am so sorry! Hindi ko sinasadya! Hang on, Ija! I will take you to the hospital, alright?!" Puno ng pagsisi na sabi ng ginang then..





BLACKOUT.






Living with a  Snob PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon