(Fast forward to September, one month after..)
XENIA's PoV:
My mama dont like you
She likes everyone
And I never like to admit that I was wrong
And I've been so cought up in my job
Didnt see whats going on
And now I know
I'm better sleeping on my o-----*tok tok*
Natigil ako sa pagkanta nang may narinig akong katok sa pintuan ng kuwarto ko.
"Bukas po 'yan!" Medyo malakas na sabi ko. Nasa shower room kasi ako dito sa loob ng kuwarto ko kasi nag-aayos ako. Isang buwan na din ang lumipas nang dumating ako dito at masasabi kong guminhawa talaga ang pamumuhay ko.
Kung tatanungin niyo naman ang pakikitungo ni DJ sa'kin, well masasabi ko na snob parin siya.Unang araw ngayon ng pasukan kaya nagbibihis na ako.
First day palang kaya okay lang na naka-civilian kaya isang plain white shirt ang suot ko na pinareha ko sa skinny at converse na binili ni Tita sa'kin isang buwan na ang nakalipas."Uhm, si Butler Kang po 'to. Pinapasabi po ni Young Master na handa na po ang agahan." Magalang na sabi ni Kuya butler.
"Okay po. Susunud na po ako." Nakangiting sagot ko habang nagsusuklay.
*sigh* Oo nga pala, umalis si Tita papuntang France para sa isang business trip at hindi niya alam kung kailan babalik kaya ang naiwan dito ay ako, si Butler Kang, Aling Beth, ang nag-iisang kasambahay dito, Manung Lito ang driver at si DJ. Kaya hinahanda ko na ang sarili ko sa mga mangyayari sa susunod pang mga araw na wala si Tita.
Hmm. Nagsalamin ulit ako. Ayos na 'to so makababa na nga baka ma-late pa ako este kami pala kasi magkapareho pala kami ng school na papasukan.
*******
Nasa baba na ako at nadatnan ko si Manang Beth na naghahain ng pagkain. Saktong nakita naman niya ako at nginitian nang matamis.
"Oh, Ija 'lika na nang makakain ka at baka mahuli pa ikaw sa school niyo." Yaya niya sa'kin kaya dumiretso na ako sa isang upuan malapit sa kinatatayuan ko. Napalinga-linga ako para sana hanapin kung nandito na sa baba si DJ pero wala pa akong nakikita sakanya. Kaya naisipan kung tanungin si manang.
"Si DJ po? 'Di po ba siya kakain?" Tanong ko bago umupo sa isa sa mga upuan sa hapag.
"Ay oo nga pala nakaalis na si Dashler kanina pa. Alam mo naman ang batang 'yon. Siguradong may iba pang lakad bago pumunta sa school pero
Wag kang mag-alala ihahatid ka ni Lito." Sagot niya sa'kin. Hmm so I guess hindi ko masyadong proproblemahin ang pag-iwas ko sakanya."Okay po Manang." Tumango nalang ako. At nagpaalam na din na papasok kaya ihinatid na din ako ni kuya Lito sa school na papasukan ko.
<St Claire University>
Pagdating namin sa school na papasukan ko ay di ko mapigilang mapanganga sa sobrang laki at lawak ng school.
Manghang-mangha ako pagdating namin sa harap nito mismo. Ang laki pala talaga nakakalula. At parang nakakahiya mag-aral dito. Talagang pang-mayaman naman kasi.
"Uhm Miss Xenia una na po ako susunduhin nalang po kita mamayang uwian niyo." Paalam ni kuya Lito kaya tinanguan ko lang siya saka tuluyang pumasok sa University.
Mag isa akung naglalakad sa hallway hawak hawak ang aking schedule na binigay sa akin ni Tita bago umalis at ngayon ay tinitigan ko bawat rooms para hanapin ang room ko.
BINABASA MO ANG
Living with a Snob Prince
RandomSi Xenia Funtabuel ay isang simpleng dalaga.Siya ay ulilang lubos, namatay ang mga magulang niya dahil sa isang aksidente. Lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang tiyahin.Pero 'di rin nagtagal ay pinalayas siya dahil sa wala daw siyang kwenta. Dahil...