"Hey guys,Where have you been?Sabi ni manang hindi daw kayo sumunod sa simbahan kanina?"Agad na salubong ni tita Vivian sa amin pagka baba namin sa kotse ni Dj nakauwi na pala siya akala ko next week pa.Deretso lang si Dj pa akyat sa kwarto niya kaya ako na lang ang sumalubong sa tanung ni tita.
"Ah hehe hello tita welcome home ahm ano kasi tita namasyal po kami sa park"medyo alanganin na sagot ko kasi baka hindi maniwala knowing Dj ,hindi mahilig lumabas labas unless kasama niya barkada niya.
"Oh really?Just the two of you?"Saang park?Sa enchanted ba?"Gulat at tuwang tuwa na tanung ni tita sa akin.Nagulat ako kasi akala ko hindi ko ina asahan ang reaksyon niya.
"Opo tita dun po,Pero hindi ko po rinequest sakanya na pumunta kami doon a.Siya po tong dumeretso doon sa halip na sa simbahan."Dedensive na sabi ko ulet.
"Hmm that's odd .Ngayun lang may dinate si DJ at sa Enchanted pa at masaya ako na ikaw yun Xenia dear. Ohmy I guess my instics was right"
"Naku naku tita hindi po yun date.May nagdedate po bang palaging nag aaway?Kami po ni Dj eh halos buong hapon na magkasama kami e bangayan at nagkokontrahan lang po ang ginawa namin"Umiling iling na sagot ko kay tita.Hindi naman kasi kami nagdate noh.Imposibleng mangyari yun.No way highway!
"Meron iha at kayo yun hihi.At you know sabi nila manang ay mukhang umiingay na daw si Dashler tsaka pinapansin na daw niya silang tatlo nina Butler Kang at Kuya Lito hindi katulad noon na puro tangon at ang tipid kung makipag usap.Naku Xenia thankyou for bringing him out of his comfort zone"Sabi ni tita at yinakap ako ng mahigpit.
Anong mga sinasabi ni tita?Bakit siya nagpapasalamat?Wala kaya akong ginawa maliban nalang sa pakikipag bangayan sa anak nya.Tsaka may nag iba ba kay Dj?sa tingin ko naman ay wala a.Masungit padin naman siya at snob parin naman well medyo umingay nga lang hehe.
"Ah hehe "Wala akong masabe sakanya kaya tumugon nalang ako sa yakap niya.
"Ah nga pala the reason why I went home early is because my husband Henry is coming home this week and we - I mean I was planning to have an out of town tour together with ma family and I want you to come with us."Nakangiting sabi ni tita.Anongsabi niya uuwi ang daddy ni Dj?Tapus mag a out of town sila at kasama AKO?Mygod ayoko nahihiya na talaga ako kay tita hindi ako bagay sa pamilya nila.Tapus baka kasing ugali ni Dj ang daddy niya baka ayaw niya sa pag kupkop ni tita sakin.Tapus pano nalang ang pag aaral ko?
"Naku tita Ahm siguro hindi ko naman po kailangang sumama sa outing niyong pamilya diba?Kasi bonding moment niyo na yun at tsaka po hindi niyo naman po ako anak or kapamilya talaga kaya nakakahiya naman po pag sumama ako diba."Tanggi ko kay tita.Ang nginitian siya ng tipid.
*sigh*"Xenia dear ,the moment you step here in our house ,you are already considered as our daughter .Henry know you na din kasi I talked to him and he is also glad because atlast we have a so called daughter maybe not by blood but by heart and besides hindi din naman tatagal magiging DL kita ."Pagpupumilit ni tita.
"Dl?"Tanong ko kay tita.Ano ba yun?Hindi ko alam eh.
"oh that's nothing dear"apabungisngis na sabi ni tita ."Basta wag mong susubukan na hindi sumama sa amin kung hindi magtatampo talaga ako sayo."Simangot ni tita na parang bata.
"Ah eh tita kasi pano yung pag aaral nam-"hindi ko natuloy angsasabihin ko ng magsalita siya.
"Don't worry about it excuse kayo ng one week .I already talk to your advisers"Nakangiting sabi niya.*sigh* I guess wala na akong kawala ah.Ang hirao tumanggi basta pag si tita na ang humiling.
"okay kung ganun po edi ano pa bang magagawa ko "Sabi ko kaya kaya ayun yinakap na naman ako ni tita.
"Yey okay then it's settled then.Pack some of your things ija pupunta tayo bukas na bukas na din ."sabi niya.Kaya napangajga na lang ako.Ano raw bu-bu-bukas?Teka ,Naisahan ata ako ni akala ko ba hihintayin namin ang daddy ni Dj na umuwi?Ba't naging iba na naman.Pati ata si tita may sapak na din sa ulo.
"Te-teka tita diba po hihintayin pa natin ang daddy ni Dj na umuwi?"naguguluhang tanong ko.
"Haha oh dear ,Nagbibiro lang ako .Tayo ang pupunta sa kung nasan siya and that would be in Italy!"Excited na sabi niya.
0_________0
"Ah Italy"Sabi ko at pilit pina pa normal ang boses ko.Kanina ko la gustong magtata talon sa tuwa dahil sa sinabi ni tita.Pero syempre pigil pigil din pag may time ,nakakahiya kay tita.
"Yeps ,Kaya ano pang ginagawa mo.Umakyat ka na at ihanda mo na ang mga gamit mo.Bayaan mo na si Dashrel ,siguradong nakahanda na gamit non siguradong sinabi na ng daddy niya ang pag punta natin doon bukas."
"Okay sige po tita.Kung ganun ay a akyat na po ako"pa alam ko sakanya at tinanguan niya naman ako.
A/N
Dl means Daughter in Law daw ayon kay Miss Vivian.😂😂
BINABASA MO ANG
Living with a Snob Prince
RandomSi Xenia Funtabuel ay isang simpleng dalaga.Siya ay ulilang lubos, namatay ang mga magulang niya dahil sa isang aksidente. Lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang tiyahin.Pero 'di rin nagtagal ay pinalayas siya dahil sa wala daw siyang kwenta. Dahil...