Chapter 3: Meet DJ (Dashler Jade)

773 33 0
                                    


Chapter 3: Meet EJ


(Still Saturday)


(9 PM)

XENIA's POV:

Masaya kami ni Tita na kumakain nang may narinig kaming huni ng sasakyan. Mukhang 'yong anak na ata niya 'yon.

"Oh I think my son is already here. Come, I will introduce you to him." Pagyaya ni Tita sa'kin palabas.

"Sige po." Sang-ayon ko. Gosh, ba't parang kinakabahan ako?
Well, siguro dahil sa curious ako sa itsura niya at tsaka ugali.
Pano naman kasi siya lagi ang bukambibig ni Tita.

Nasa likod lang ako ni Tita Vivian at nakayuko habang palabas kami para salubungin si DJ, 'yong anak ni Tita Vivian.

"Hey son, what took you so long? Kanina pa kami dito eh. Akala ko nga 'di ka na naman uuwi." Rinig kong sabi ni Tita sa anak niya. Ako naman sa may gilid eh nakayuko parin. Hindi umiimik.

Isang minuto ang nakalipas ngunit wala akong narinig na sagot ni DJ kay Tita Vivian. Pagsarado lang ng pintuan ng kotse ang narinig ko. Kasunod n'on ay ang mga yabag ng sneakers sa gravel na facade ng mansyon.

"Son, I'm talking to you."

"Traffic." Sabi ng manly na boses. Teka, boses na ba ni DJ 'yon? Gustong-gusto ko siyang tingnan kaso nakakahiya eh kaya nanatili akong nakayuko dito sa gilid.

"Hay nako. The same reason as always. By the way, 'eto nga pala si Xenia Funtabuel. Siya 'yong sinasabi ko sa'yo na nabangga ko. And Xenia, 'eto naman si Dashler Jade pero you can call him 'DJ', ang napaka-gwapo ngunit basagulero kong anak. Gwapong-gwapong-gwapong-gwapong-gwapong-gwapong-gwapong-gwapo--"

"Shut it up, Mom." Asar na boses ni DJ kaya napatigil si Tita Vivian sa pagsasalita.

Hindi ko na napigilan ang curiousity ko at iniangat ko na ang tingin ko kay D-DJ?

E-eto ang anak ni Tita Vivian?! Hindi nga ako nagkamali ng hinala! Para siyang anghel na bumaba sa langit. Napakaamo ng kaniyang mukha. Napakagwapo pala talaga niya. Parang hindi umaayon ang ugali niya na sinabi sa'kin ni Tita Vivian sa kaamuhan nga kaniyang mukha. Hindi maipagkakaila na mag-ina sila ni Tita Vivian.

Nang magtama ang mga mata namin, mas lalo akong kinabahan dahil sa paraan niya nang pagtitig. Walang mababakas na emosiyon ang kaniyang mukha.

"Hi. I-ikaw pala si DJ. N-nice to meet you." Nauutal kong sabi habang patuloy na pinagmamasdan 'yong mukha niya kasabay n'on ay iniabot ko ang kamay ko para makipag-shake hands.

Pero nagsisi din ako sa pag-extend ng kamay ko dahil wala yata siyang plano na abutin ito. Basta niya lang tinitigan ang kamay ko.

Ibinaba ko na lamang ang kamay ko. Ano ba 'yan, napahiya ako. Totoo nga ang sinabi ni Tita Vivian, he's a snob. 'Snob Prince' eh.

Tango lang ang natanggap ko sa kaniya tsaka niya ako nilagpasan at pumasok sa loob.

"Talaga 'yong DJ na 'yon eh. Pasensiya na Xenia. Gaya ng sabi ko, snob siya sa mga hindi niya kilala. 'Wag kang mag-alala, masasanay ka din sa kaniya."

"Okay lang po Tita. At least tumango siya, diba?" Sagot ko naman sakaniya.

"Sabagay, so halika na sa loob. Iniwan na tayo dito ni DJ eh. Siguradong magkukulong 'yon sa kwarto niya." Biglang simangot ni Tita. Ang cute niya lang, haha! Nagkumukha siyang teenager sa itsura niya na nakanguso pa. May pagka-childish din pala si Tita kaya mukhang hindi ako mahihirapang makisama sakanya. Sa bait ba naman niyang 'yan.

Pagkatapos naming tapusin 'yong dinner namin ay inihatid na ako ni Tita sa kwarto ko na katapat lang pala ng kuwarto ni DJ. Medyo natakot nga ako kasi magkatabi lang ang kwarto namin ni DJ. Ewan ko pero takot akong ma-snob sa kaniya. Pero waaah nevermind na muna 'yan! Ang ganda kasi ng magiging kuwarto ko! Random ang theme nito at pang-unisex. Mamahalin lahat ng gamit tsaka may mini-ref!

"Ah Ma'am-- este Tita, goodnight po. Maraming-maraming salamat po. Hindi po ako magiging pabigat sa inyo. Asahan niyo po 'yan, Tita. Maraming salamat po uli--"

"No. I think I've finally got a daughter, thanks to you." Nakangiti niyang sabi. "Goodnight, Xenia." Sabi niya at tuluyan na siyang umalis.

Pero nagulat ako nang bigla siyang bumalik at hinalikan ako sa noo. "Sleep tight, Xenia." Sabi niya tsaka siya tuluyan nang umalis.

Hi-hinalikan ako ni Tita sa noo? Ewan pero parang nakaramdam ako ng saglit na pagmamahal ng isang ina.

Masasabi kong napaka-suwerte ni DJ kay Tita Vivian. Napakabait at napaka-sweet kasi ni Tita bilang isang ina. Ang suwerte-suwerte ni DJ. Magkamukha nga sila pero opposite naman ang ugali nila. Snob naman kasi si DJ.

Kanina nga sa malaking living room nila, nakita ko 'yong family picture nilang pamilya. Si Tita Vivian, ang Papa ni DJ, at si DJ. Only child lang siya. Nakakalungkot nga lang kasi mukhang hindi ko siya makakasundo kasi nga snob siya diba?

Napahiga na lang ako sa malambot na kama at napaisip. Napakasuwerte ko din kasi napakabait sa akin ni Tita Vivian. Biruin niyo? Tinulungan niya ako nang maraming beses.

Hay nako, DJ. Anong klaseng tao ka ba? Snob at snob ba forever? Nakakalungkot naman.


Living with a  Snob PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon