"BABA!!!"maotoridad na utos ni Dj sakin.Aba kung makapag utos to wagas.Kaimbyerna ,baka tapus na ang misa pagdating ko nito."Ano?! Pwede ba umalis ka na dyan,late na o ,baka di ko na po ma abutan ang misa "nabuburyong reklamo ko.
"Bumaba ka na dyan sa trycicle kung ayaw mong kaladkarin kita dyan.Sabi ko naman sayo na sabay tayo,bakit ba ang tigas ng bungo mong babae ka"inis na sabi niya.Sus ayaw ko na ngang sumabay sakanya kainis lang.
"Ayaw ko nga Dj ang kulit mo,pwede bang alisin mo na yang kotse mong nakaharang para maka alis na kami,kainis ka naman e"reklamo ko sakanya kaso sa halip na sundin ang sinabi ko ay basta niya na lng akong hinila palabas ng trycicle tapus kinaladkad papasok sa kotse niya.
"Wag mo akong sinasagad Katana,alam mo kung panu ako magalit"sabi nya tapus pinaharurut nya agad ang sasakyan ,mygod ang bilis niya magpatakbo.Ano na naman kayang pinuputok ng butsi nito? Sa pagkakaalam ko e wala naman akong ginawang mali a.Aba ewan ko sakanya.
Makalipas ng ilang minuto ay kita na namin ang simbahan,akala ko ay ititigil nya ang kotse pero hindi,nagtuloy tuloy lang siya sa kalsada.
"Oy teka teka ,lagpas na tayo sa simbahan a!" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"Alam ko"simpleng sabi nito na tila sinadya niya talaga.
"Bakit tayo lumagpas?Diba dun naman ang simbahan na pupuntahan naten?O sa iba tayo magsisimba?" Tinignan ko siya pero di manlang sumagot as tanong ko.Antipatiko! Walang kwenta tong kausap.
"Hoy!Sabi ko ba't tayo--"
"Pwede ba tumigil ka muna sa kakadada nakakairita ka na!" Pasigaw na sabi nito sakin saka ako tinapunan ng masamang tingin.Di manla ako pinatapus magsalita,bastos talaga.
"Saan ba kasi tayo pupunta?!Akala ko ba sa simbahan ? Bakit tayo lumagpas?"pasigaw ding sabi ko dito,Aba nakakainis na kasi,Kung makasigaw wagas psh!
"Malapit ng matapos ang Misa kaya wag na tayo tumuloy OK"
"Edi saan nga tayo pupunta?!"
"Haist! Basta malalaman mo din pag nandoon na tayo,As for now upo ka lang dyan ok just be a good girl kahit ngayong oras lang pwede? Nakakapagod ding kasing makipag bangayan sayo"
Napasimangot ako sa sinabi niya psh saan ba kasi kami pupunta?Ba't pa kasi ako sumama dito kainis yan tuloy sumasakit na naman ulo ko dahil sakanya.
Naalimpungatan ako nang may yumogyug sakin.
"Oy Katana,gising nandito na tayo."
Pagbukas ko ng mata ko ,Mukha agad ni Dj ang bumungad sakin.Di ko alam pero may iba sa titig nya ,nakakailang.Kaya agad Kong iniwas ang tingin ko sakanya.Agad akong bumaba sa kotse at ganun na lang ang gulat ko dahil nandito kami sa isang Park?Wow!Ang ganda ,hindi lang kasi basta ordinaryong park ang itsura mukha siyabg resort e,nakakamangha.Halos napapalibutan ng nag gagandahang puno at mga bulaklak ang paligid.Para kang nasa isang enchanted garden.
"Tss,Pakisara ang bunganga ,tumutulo na laway mo o.Haist lalo kang pumapanget"biglang nahsalita si DJ sa tabi ko.Ang sama talaga kung makapanget naman to kala mo siya na pinakagwapo sa mundo .Pwe!Pasalamat siya maganda tong pinuntahan namin kung hindi Linayasan ko na to kahit di ko alam ang pasikot sikot dito.
"Alam mo DJ panira ka talaga,Oo na kaw na gwapo tse!"
"At talagang marunong ka na talagang sumabat hah!Hoy Katana tigil tigilan mo ang pagsusungit sakin baka akala mo siguro di kita kayang patulan jan!"
Haist umuusok na naman ang ilong ni Boss DJ.Kung di lang to anak ni tita baka di lang bangayan ang mangyari samin dito.Pumapatol pa talaga sa babae haist bakla.
"Andami mong alam DJ lika na nga mas mabuti pa kung libutin natin tong parke para naman mas gumanda ang mood ko ngayun.Ang ganda diti in fairness DJ."Pang iiba ko para d lumala ang away namin.Mahirap na baka magwala to ako pa mapahiya.
"Tss.Pasalamat ka sinama kita dito.Ikaw pa lang a pinupunta ko dito na babae kaya swerte mo ba lang,sa gwapo kong to ba naman nakaya kong isama ang mamaw na katulad mo."sabi nito sakin sabay tingin sa kabuoan ko.Aba'y bastos na bata ,Ayoko na nga lang ng bangayan e nag uumpisa na naman siya.
"Nyenye daming alam.Lika na nga dun tayo sa may bangka enjoy doon lika."Excited kong hinila ang kamay ni Dj at agad naming tinungo ang ilog na nasa gilid na parte ng parke.
"O-Oy Katana let go.Bitaw nga!Wag mokong hilahin tae naman oh.Di tatakbo yung ilog kaya wag kang mag madali para kang bata tss."reklamo ni DJ pero d naman ako pinahinto sa pagtakbo kaya ang ending nasa bangka na kami.Ang saya pero mas masaya sana kung sa maramihang bangka kami sumakay para may maka usap ako na matino.Kaso si Boss Dj na ubod ng arte mas gusto yung pagdalawahan lang daw para walang dagdag na maingay ,Tama na raw na may kasama siyang mamaw na nakalunok ng mikropono.Ang kapal ng apog ng kumag kung magsalita ,nakakapang gigil talaga!Pero dahil siya nga naman kasi ang BOSS kaya sinunod ko na lang nakakahiya naman sakanya.
After naming mamangka ,Kumain naman kami sa floating restaurant nila grabe ang sarap din ng mga pagkain nila naparami kain ko.Tapus Pumunta kami sa mini forest ng parke,pinag awayan pa namin kung pupunta kami don kasi ayaw nitong mokong dahil ang babaduy daw ng mga pumunta dun halos puro magkasintahan kasi ang makikitang nandoon e,pero dahil sa gusto ko talagang pumunta don kaya nagpumilit ako buti pumayag salamat na lang.
Grabe may igaganda pa pala dito nakakamangha talaga.
Kahit andami naming sagutan nitong kasama ko e thankful padin ako dahil pinunta niya ako dito.May ibabait naman pala ang loko ayaw lang pahalata."Dj ang ganda dito noh?"Tanong ko kay Dj habang pinagmamasdan ang mga puno na naka palibot,nasa isa sa mga benches kami ngayun nakaupo .
"Yah,Ang ganda nga"sagot ni DJ ,himala kala ko mambabara na naman.Tinignan ko siya at nagulat ako dahil nakatitig pala siya sakin.As in titig na titig nakaka panibago nga .Naiilang tuloy ako.Parang hindi kasi siya tong nakikita ko .
"D,j?"
Don la mukhang natauhan si Dj nang Iwagayway ko ang kamay ko sa mukha niya mismo.
"HUH?Ano ba ilayo mo nga yang kamay ko sakin ang baho!"sabay Pinalo yung kamay ko tas biglanh nag iwas ng tingin. Yun o bumalik na naman ang pagka kunot ng noo niya.Badtrip agad? May topak ata to.Ok lang naman kaninang nagtanung ako tas biglang back to beastmode agad?Ewan ko sayo DJ .
******************
Thankyou for Reading😊😊😄.Pls vote and comment.
BINABASA MO ANG
Living with a Snob Prince
RandomSi Xenia Funtabuel ay isang simpleng dalaga.Siya ay ulilang lubos, namatay ang mga magulang niya dahil sa isang aksidente. Lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang tiyahin.Pero 'di rin nagtagal ay pinalayas siya dahil sa wala daw siyang kwenta. Dahil...