(One week after the so called lunch date)
Xenia's POV
Linggo ngayon kaya napagpasyahan ko na sumama sana kila manang na magsimba.Nag ayos muna ako ng sarili bago lumabas.Nakasuot ako ng simpleng jeans at tinernohan ko lang ito ng t shirt pero nag hoodie din ako at converse shoes na binili ni tita sakin noong huling bwan. .Ilinugay ko na lang ang buhok kasi nagsuot din kasi ako ng cap.
(This picture is from fb page Fashion Everyday)
Pagkababa ko ay agad kong hinanap sina manang para maka alis na kami pero wala sila kaya sinubukan kong tignan sa labas baka naghihintay na sila don.Pero sa halip na sila manang ang makita ko si Dj ang naabutan kong nakasandal sa kotse niya na parang isang modelo.Pakshet bat ang gwapo ng kupal nato.Naka sout lang siya ng simpleng pants na tinernohan niya ng V neck na plain shirt tapus naka suot siya ng cap na pabaliktad at aba bat naka sunglass pa siya? May lakad teh?Pero ang gwapo niya talaga. Ay erase hindi pala siya gwapo.Medyo lang haha.
"Done checking me out?" Sabi nito na may nakataas kilay tingin.Dun naman ako natauhan.Di ko napansin nakatitig pala ako sakanya.Sinamaan ko siya ng tingin.
"Kapal mo po"sabi ko sakanya.
"Wow sumuplada ka na ngayon a.May dalaw ka?"
"Wala!"singhal ko dito.Agang aga kasi iniinis ako.Pero Oo nga no napapansin ko din simula kahapon ay nagiging masungit na ako.Yung parang bang hindi na ako nahihiya sa kaniya.
"tangna pikunin ka din pala"luh nagmura siya ng tagalog.Nakakapanibago siya .Dato e puro Shit at Fuck sinasabi niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon ko na lang ang pansin sa paghahanap kila manang.
"Sinung hinahanap mo?"pabalang na tanong niya.
"Sila manang.Nakita mo ba sila?Magsisimba kami" sagot ko na lang ng maayos sakanya.Ayokong makipag away sakanya ngayon Sunday eh araw ni god.
"Tsk pinauna ko na lang sila.Sinabi ko na sa akin ka na sumabay.Ang tagal mo kasing bumaba kaya pinauna ko na sila baka magsimula na ang misa."mahabang sabi niya.Matagal ba talaga akong naghanda kanina? Hindin naman ata.Wala oang isang oras kaya akong naligo kanina ah baka 30 minutes lang.Yung pagpapalit ko nga ng damit eh mga 20 minutes kaya wala pa namang isang oras a.
Pero wait lang .Kung ganun sasabay ako kay Dj?Wow nagsisimba pala siya.Buti di siya nasunog.Hehe joke lang nga readers .Pero seryoso ayoking sumabay sakanya.Ang sungit kaya.Pa iba iba ang mood.Napa Ahh na lang ako tapus nagsimulang maglakad palabas ng bahay nila.Maghihintay ako ng tricycle ayoko kay Dj.
"Hoy ,Saan ka pupunta.Sasabay ka sakin babae ka .Wag matigas ang ulo"sigaw nito kaya sinigawan ko pabalik.
"Ayokong sumabay sayo lalaki ka baka kainin mo ako .Mahirap na nag iingat lang ako."
"Aba't"
Hindi ko narinig ang sunod na sonabi niya dahil nakarating na ako dito sa labas ng gate at sakto naman na may parating na na tricycle.
"Saan po tayo ma'am?"tanong ng tricyle driver kaya sinabi ko na lang na sa St Mathias Parish.Malayo ito baka may 20 minutes bago ako maka punta dun sana maabot an ko pa ang misa.
Wala pang sampong minuto nang biglang tumigil ang tricycle.
"Bakit po manung?"takang tanong ko.
"Ma'am may nakaharang"sabi ni manung saka tinuro ang harapan.Nanlaki naman ng mata ko ng makita ko ang kotse ni Dj na nakaharang.Anung ginagawa ng kupal na to.Naku naman ano bang trip nito.Malelate na nga ako.Aish baka tapos na misa pag dating ko nito.Pambihira kasi itong Dashrel nato .
Bigla itong bumaba sa kotse niya tapus diretso kay manung at pabalya niya itong binigyan ng isang libo.Tapus pumunta namn siya sa tabi ko saka ako tinignan ng pagka sama sama.
"BABA!"
-------------------
May part 2 ang Sundate po...
BINABASA MO ANG
Living with a Snob Prince
De TodoSi Xenia Funtabuel ay isang simpleng dalaga.Siya ay ulilang lubos, namatay ang mga magulang niya dahil sa isang aksidente. Lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang tiyahin.Pero 'di rin nagtagal ay pinalayas siya dahil sa wala daw siyang kwenta. Dahil...