Chapter 2: Moving In

824 34 0
                                    


Chapter 2: Moving In

(Saturday)



 

(7 PM)



XENIA's POV:



Kinabukasan din ay nakalabas na 'ko sa ospital. Kasama ko ngayon si Tita Vivian at ang sabi niya ay papunta na daw kami sa mansyon kung saan muna ako maninirahan.

Oo, titira daw ako sa kanila sabi ni Tita. Kahit anong tanggi ko sa kaniya ay sobra pa din siyang mapilit. Gusto daw niya akong tulungan para pambawi manlang daw sa pagka-bangga niya sa akin. Nakakahiya na nga dahil madami na siyang naitulong sa akin.

"Ija, alam mo gusto ko talagang magkaroon ng anak na babae para naman may kasama akong mag-mall, magpa-salon at iba pa.
Kaso nga lang eh sa halip na babae, isang lalaki na ubod ng suplado ang naging anak ko tapos 'di na nasundan pa. Ewan ko ba kung kanino nagmana 'yon. Mabait at gentleman naman ang Dad niya. Ako gan'on din naman pero 'yong anak kong 'yon, naku! Binansagan nang 'Snob Prince' dahil sa pagiging isnobero niya." Kwento nang kwento si Tita Vivian habang nasa biyahe kami papunta sa mansyon niya. Tahimik lang naman akong nakikinig sa kaniya kasi medyo hindi ko gets ang kwento niya. Puro kasi tungkol sa only child niya na lalaki na napakasungit daw, war freak, bully at kung anu-ano pa. Kung gan'on, edi bagay sila ni April, 'yong pinsan kong anak ni Tiya Boom na masungit, warfreak, at bully din.

Pero nakaka-curious kung anong hitsura n'ong anak ni Tita Vivian. Guwapo siguro na mukhang Nam JoonHyuk.

"Xenia Ija, you know. Kung may time ako, we can go shopping together then mamamasyal tayo. Nakaka-excite, diba?" Tuwang-tuwa pa siya habang nagsasalita. Ang ganda niya talaga tapos napakabait niya pa. Ang swerte naman ng anak niya.

"Naku, Tita. 'Wag na po. Nakakahiya na talaga eh. Okay na po ang pagpapatira sa'kin sa mansyon niyo. Mas maganda nga kung mag-apply na lang po ako sa inyo bilang kasambahay para naman po may pambayad ako sa inyo." Mahabang pahayag ko kay Tita Vivian.

Namamatay na kasi ako sa hiya eh. Alam niyo naman siguro 'yong feeling na gan'on.

"Xenia Ija, diba napag-usapan na natin 'yan? Okay lang sa'kin kahit hindi ka magtrabaho. I already told you that you are free to do whatever you want to do in the mansion. Besides, mas gusto ko 'din naman na nandoon ka kaysa naman palaboy-laboy ka sa kalsada."

"Yun na nga po, Tita. Free akong gawin ang gusto ko 'don. Kaya magtratrabaho po ako 'don. Kahit sa pagluluto at paglilinis lang diba? Para naman po kahit papaano ay makatulong ako sa inyo." Katwiran ko.

"Okay. Fine, bahala ka. Basta 'wag mong masyadong papagudin ang sarili mo." Pagsuko nya.

"Oh, nga pala Xenia kasama mo sa mansyon si DJ, 'yong pasaway kong anak. Don't worry, we have a lot of servant in there. Kaya hindi lang kayo ang nandoon, at tsaka kasama mo din naman ako pero hindi nga lang palagi dahil sa trabaho.And anyway sinabi ko na din kay DJ na dadating tayo kaya 'wag kang mag alala."

DJ? 'Yon ang pangalan ng anak niya? At makakasama ko siya 'don sa mansyon? Hala bakit parang kinakabahan ako? Well, sino namang hindi eh base sa kwento ni Tita Vivian eh ang sungit daw niya! Baka kainin ako nang buhay n'on pag 'di ako nagustuhan.

"Gan'on po ba? Eh ilang taon na po si DJ?" Tanong ko kasi talagang nakaka-curious na talaga eh.

"Well DJ is already 18. First year college na siya sa St. Claire University with the course of Business Management. Diba ikaw Xenia eh 17 na? So it means magkalapit lang pala kayo."

"Yes po 17 na po ako. Proud HRM student! Hehe."

"Nako sana ipagluto mo ako sa birthday ko!" Tuwang-tuwa na sambit niya.

"No problem po, Ma'am!" Sabi ko dahilan para mapasimangot siya. "Diba sabi ko Tita Vivian na lang?"

"Ahehe. Sorry po, Tita Vivian." Sabi ko dahilan para mapangiti siya.

"Ma'am nandito na tayo!"

"Oh, we're here na pala. Let's go na. Kwentuhan na lang tayo later after unpacking your things. Halika na." Pagyaya niya sa'kin palabas ng van.

Pag-apak ko pa lang, gravel na ang naapakan ko kaya manghang-mangha ako. Tuluyan na kaming nakalabas ng van tsaka ko tinanaw ang napakalaking glass mansion sa harapan ko. Oh my gosh, I can't believe what I am seeing.

"Xenia, let's go inside. Ipapakita ko ang magiging room mo. Halika na." Pagyaya sa'kin ni Tita Vivian kaya sumunod na ako sa loob.

Lalo pa akong namangha sa mga nakita ko. Entrance pa lang, namamangha na ako eh. I can't believe na may nag-eexist palang ganito kagandang bahay. Parang pang-2020 eh.

Then it happened. I moved in.



Living with a  Snob PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon