Rukai City
Empire of Quoria
RoE 105Strongbow Manor
Papasikat palang ang araw ngunit tagaktak na ng pawis ni ViticiPrema. Nasa likuran sila ng kanilang Manor kung saan ginawang training ground ng kanyang ama. Malapit ang kanilang Manor sa palasyo. Dahil doon malawak ang kanilang lupain. Hindi kagaya ng nasa mismong kabayanan sa Rukai na limitado ang espasyo. Dito namumuhay sila ng tahimik at malapit sa kalikasan na importante sa mga kagaya nilang elfo. Sa likod ng kanilang Manor ay walang makikitang kahit isang puno na tumatabon sa iyong paningin. Alaga ang pantay-pantay na berdeng damo na umuukupa sa malaking bahagi ng lupain, nahinto ang berdeng damo sa unang punong kahoy na nakatayo. Mula sa unang punong kahoy patungo sa hangganan ng kanilang lupain ay purong gubat iyon. Gubat na ayaw ipagalaw ng kanyang ama. Ang gubat ay nagsilbing palatandaan ng mga tauhan ng ama na hanggang doon lang pwedeng umapak ang mga ito at lalo na ang mga bisita. Ang sinumang lumabag ay mananagot. Dahil sa patag at ilang metro din ang walang tumatabing na kahoy sa Manor, kung may baliw na aataki sa kanila madali silang makita. Pero baliwala iyon sa ama. Wala rin namang mapagtataguan ang kalaban. Ang importante lang dito ay makita ang paparating na kalaban.
Maliban sa nakakatandang kapatid na si Daxen, ang katabing lieutenent nito at ang tatlong kalaban ay wala ng ibang tao doon. Sa edad na dose ay matangkad si ViticiPrema pero hindi pa rin siya umabot kahit sa kilikili man lang ng tatlong lalaking nakapalibot sa kanya. Sa dami ng nakakalaban niya ay hindi na niya kinilala kung sino-sino ang mga ito. Pare-pareho lang naman ang mga nakakalaban niya. Matatangkad, malalaki ang katawan, magagaling at higit sa lahat makapangyarihang elfo. Dapat nasa higaan pa siya ngayon at natutulog pero heto siya ngayon nanlilimahid sa dumi. Her choice, kaya magtiis siya!
Sabay sabay na sumugod ang tatlong lalaking kalaban. Tamang-tamang nasangga niya ang paparating na sipa sa kaliwa. Hindi pa man nakarecover si Prema ay may paparating na naman na kamao sa kanyang kanan galing sa pangalawang lalaki. Muli ay iniwas ni Prema ang mukha kaya dumeretso ang kamao na papatama sana sa kanya. Ginamit niya ang pagkakataon na iyon na tadyakan ang pangatlong lalaking naka amba ang kamao. Inunahan na niya ito ng tadyak. Napatras ang lalaking sapo ang tiyan.
"ViticiPrema, if your mind wonders one more time, you will find yourself working in the kitchen from dusk 'til dawn." May pagbabantang sabi ni Daxen o Dax, ang kanyang nakakatandang kapatid. Ito ang nakatalaga sa kanyang pagsasanay sa loob ng isang linggo. Bawat linggo ay iba't-ibang elfo ang namamahala sa kanyang pagsasanay dahil na rin sa utos ng kanyang ama. Napansin pala nito na naglakbay ng kanyang isipan. "Again!" Sigaw ng kapatid. Kung hindi lang sana malaking lalaki at magaling ay ang kapatid sa pakikipaglaban, ito sana ang gusto niya sugurin at pagsisipain.
Daxen is training her on hand to hand combat. Gustong makita ng kapatid na matatalo niya ang malahigante niyang kalaban na mas matigas pa sa bato at matibay pa sa pader ang mga katawan. Sa hitsura palang ay dihado na siya, sa lakas pa kaya? E kumpara mo naman ang kanyang mga braso at kamao sa katawan ng mga kaharap. Mas mababasag pa niya ang malaking sementadong haligi sa harapan ng kanilang Manor kaysa makapagbigay ng malaking pinsala sa mga kaharap. Ang malala pa mas malamang kaysa hindi ang posibilidad na baka ang mga buto pa niya ang mabali.
"Stance!" Muling sigaw ni Dax.
Gustong umikot ang mga mata ni Prema. Pero dahil takot siyang maparusahan kaya pinigilan niya ang sarili at umayos. Here we go! Tamang tama lang na iniwas ni Prema ang mukha at naiwasan ang suntok na siguradong babasag sa kanyang panga. Hindi pa man siya nakarecover ay may nakikita na naman diyang paparating na tadyak. Mabilis na sinangga ni Prema ang sipa gamit ang isang braso. Naroon ang lahat ng lakas at konsentrasyon niya sa pagsangga kaya hindi niya agad napansin ang isa pa uling paparating na kamao. Living her left side open to attack. She pivoted.
BINABASA MO ANG
ViticiPrema *Elemental Mage Prequel*
FantasiA wonderer with no family, allegiance and loyalty. As a young child, she was left in the world of human. After the First War there was chaos in the Empire of Quoria. Without an Empress to rule it leaves the empire vulnerable. Her father left her...