Thirty-two

2.2K 107 4
                                    

Napabalikwas ng bangon si Firen.  Tahimik ang paligid. Kahit hindi tumingin sa labas alam ni Firen na madilim pa. Hindi dahil walang pumapasok na liwanag sa loob ng kanyang silid mula sa salaming bintana kundi dahil sa dugong dragon na nananalaytay sa kanyang katawan. Ang mga dragon, kahit nakatira pa yan sa ilalim ng kuweba ay alam pa rin ng mga ito ang oras sa labas.  

Tumayo si Firen at tinungo ang bintana saka binuksan.  Malamig na hanging pang-umaga ang sumalubong sa mukha nito. Malapit ng magbukang liwayway. Hindi maintindihan ni Firen ang nararamdaman. Pakiramdam niya ay parang may kulang na hindi niya matukoy kung ano.   Dahil hindi mapakali kaya minabuti ni Firen na magbihis at lumabas.  Nagtungo sa kwuadra at kinuha ang kabayo. Kahit wala sa intensyon ay natagpuan ni Firen ang sarili sa harapan ng Manor ng mga Strongbow. Gaya ng inaasahan ay tahimik din ang buong Manor.   Ayaw naman niyang mambulahaw kaya tumalikod si Firen at tinahak ang daan papunta sa waterfalls at nagdesisyong doon hintaying mag-uumaga. O hintayin ang elfo.

Nagsimula ng lumiwanag kahit hindi pa tuluyang lumabas ang sinag ng araw ng huminto si Firen sa mismong puno kung saan sila palaging nagpapahinga ni Prema. Umupo ito sa mahamog na damuhan.  Unti-unti ng nilamon ng antok si Firen ng may marinig na tunog ng kabayo. Napabalikwas si Firen at iginala ang mg mata sa paligid.  Hindi siya nagkakamali. Sa di kalayuan ay nakita niya ang isang itim na kabayo.  Si Thunder, ang warhorse ni Prema.

Hinahanap agad ng mga mata ni Firen ang babae ngunit walang Prema doon. Hindi maintindihan ni Firen bakit ito kinakabahan. Nilapitan nito ang kabayo ng dalaga at noon nito napansin kung ano ang kakaiba sa kabayo.  Wala roon ang saddle ng kabayo.   Lalong lumakas ang kaba ni Firen.  Iniinspeksyon nito ang katawan ng kabayo kung may sugat ba ito o nasaktan ba ito o ninakawan. Ngunit wala itong matagpuan kahit konting gasgas sa katawan ng kabayo.  Mabilis na tumalikod si Firen at sumakay sa sariling kabayo at nagsimulang maghanap.

Pagkaraan ng ilang minutong ay nakita rin ni Firen ang hinahanap. Ang saddle ng kabayo at renda nito ay maayos na nakalapag sa damuhan at hindi basta-basta nalang itinapon doon. Nagpalinga-linga si Firen, wala itong makitang tao. Tanging nagtataasang puno ang nasa harapan niya. Natigilan si Firen ng mapagtanto kung nasaan ito. Ang nasa harapan niya ay ang Lasang. Ang kabayong pinakawalan, ang gamit ng kabayong maayos na nakalapag sa damuhan at ang pangyayari noong nakaraang gabi. Ay nagsalimbayan sa balintataw nito.  Parang may kamay na dumukot sa puso ni Firen ng mapagtantong iniwan siya ng dalaga.

Hindi maari! Hindi niya gagawin sa akin iyon!
Muli ay pumasok sa balintataw ni Firen ang nangyari kagabi. Ang madilim na lugar kung saan ito nakatayo habang pinagmasdan sila. Hindi! Hindi ugali ni Prema na aalis ng walang paalam!

"Kung ganun, bakit lahat ng ebidensya ay nagtuturong nilisan na nito ang Quoria at nagpunta sa Lasang. At alam ng lahat na sa loob ng maraming taong nakalipas ay walang makakapasok at nakakalabas sa Lasang na mortal. " sagot ng praktikal na bagahi ng utak ni Firen.

Mas lalong kinakabahan si Firen ng marealized na may posibilidad na nakapasok nga ito dahil isa itong elfo. Ang tanong ngayon kung makakalabas pa ba ito?

"ViticiPrema!" Sigaw ni Firen habang tumakbo patungo sa gubat pero bago pa siya makapasok ay may kung anong nakaharang sa kanyang harapan.  Isang hindi nakikitang makapal na pader.  Tinangka ni Firen na gamitan ito ng sariling kapangyarihan. Ibinuhos nito ang buong lakas para piliting pabagsakin ang hindi nakikitang pader. Paulit-ulit na ginawa iyon ni Firen hanggang sa naubusan na ito ng lakas. Ngunit nananatiling buo ang pader, ni hindi man lang ito natinag.  Nang hindi nagsilbi ang kapangyarihan nito ay nag-iba ng taktika si Firen. Nagsimula itong sumigaw at tinatawag ang pangalan ni Prema.

"ViticiPrema!  Lumabas ka diyan ngayon din!  Pag-usapan natin ito!"  Galit na sigaw ni Firen.

"You cannot just leave you witch!" Parang mabangis na hayop na pabalikbalik si Firen sa paglalakad naghahamok.

Walang sagot galing sa kabila.

"Prema if you don't get out in there, I swear I'm going to kill you when I see you again!  Prema! Hindi mo magagawa sa akin ito!" Ngunit wala pa ring sumasagot dito. At habang tumatagal ay unti-unting nawawalan ng pag-asa si Firen na marinig ng dalaga. 

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka lumabas at magkipag-usap sa akin!"  Banta ni Firen. Pero kahit anong panakot at banta ni Firen sa dalaga at nanatiling tahimik ang mahiwagang gubat.

Kung ang ibang tao ay susuko na at mawawalan ng pag-asa. Hindi si Firen. Dahil hindi siya tao. Isa siyang Weredragon! At ang mga Weredragon kailan man ay hindi sumusuko. A warrior first and a warrior last. At ito ang isang laban na hinding-hindi niya susukuan. Ang makuha ang She-warrior niya!
"And by the gods! She will accept him!"

Dahil desidido si Firen na hindi aalis doon hangga't hindi nakikita ang dalaga kaya nagpasya ito na doon tumira. Nagtayo ito ng tent sa mismong lugar kung saan iniwan ni Prema ang gamit ng kabayong si Thunder.

Nang malaman iyon ni Valerius at Brandon ay dinamayan ito ng dalawang kaibigan.  Si Brennon at Camthaleon ay ipinagpatuloy ang training.  Tumagal ng mahigit isang buwan ang pananatili doon nina Firen at mga kaibigan at tatagal pa sana kung hindi nakialam ang hari. 

Muling nilusob ang north border ng Quoria. Ngayon pa lang ay kulang na sila ng tauhan dahil ang mga mages na nanalo sa tournament ay pumunta na sa kaharian ng  Ver para sa paligsahan. Kaya ang tanging inaasahan sa Quoria ay si Firen at ang mga tauhan nito na magpunta sa borders para protektahan na hindi makapasok ang mga kalaban.

Nakarating kay Firen ang balitang may mga higanteng pilit na pumasok sa borders. Hindi makapaniwala si Firen.  Ilang taon na ang lumipas ng wala ng mga higanteng pilit na pumasok sa borders.  Alam naman niya na ang lupain sa labas ng border ay mapanganib at puno ng hindi lang mababangis na hayop kundi mga mapanganib na nilalang.   Anong rason at ngayon ay bumalik ang mga ito at sa mismong oras kung kailan umalis ang pinakamagaling nila na mga mages?  Pagkakataon lang ba o sadyang may tao sa likod nito?

Agad na tinipon ni Firen ang mga tauhan bago humanda para magmartsa patungonsa border.
Inaalerto na rin ni Firen ang borders sa ibang parte ng kaharian kahit alam niyang imposibleng may aatake doon.  Ang East ng Quoria ay Brun.  West ay La Fun.  Parehong magkaanib ang dalawang kaharian.  Sa South ay ang Tuskan kaya mas hinigpitan doon ang pagbabantay, pero pagkatapos ng First War, batid ni Firen na hindi kakayanin ng Tuskan ang pangalawang atake sa Quoria kahit ilang taon na ang lumipas. Isa sa pinakamahirap na kaharian na ngayon ang Tuskan.  

Dahil hindi kaagad pwedeng iwanan ni Firen ang kaharian ng hindi protektado, nauna ng nagpunta sa north border ang kaibigang si Valerius kasama ang limang libong sundalo.  Isang linggo muna ang nakalipas bago nakasunod si Firen. 

Kasama ang mahigit limampung BattleMages at dalawang libong sundalo ay handa na si Firen sa laban. Habang papalapit ay unti-unting maririnig sa paligid ang ingay sa labanang nangyayari. Ang tauhan na pinauna na niyang magpunta sa  border ay bumalik na may masamang balita.  Malubhang nasugatan si Valerius.  At ang mataas na pader na tanging nakaharang sa Quoria at ng WildLands ay bumagsak kaya nakapasok ang mga trolls.  Ayon sa report may mahigit isang daang trolls ang lumusob. 

Ang pinakamaliit na troll ay pitong talampakan, at ang pinakamalaki ay higit sampung talampakan.  Malalaking ang mabalahibong katawan na may matatalas na ngipin at koko ang mga ito.  Ang kaibahan sa mga trolls at Krug ay ang trolls ay puro lakas pero walang utak.  Hindi mauutusan ang trolls. Pero nag-iiwan ito ng malaking pinsala sa isang lugar. Sinisira kasi nito ang lahat ng madadaanan at  kagaya ng mga Krug tanging sinusunod ng mga trolls ay ang tiyan.  Kumakain ang mga ito ng lahat ng klaseng karne lalo na ang karne ng tao.

ViticiPrema *Elemental Mage Prequel*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon