Habang binabasa ang sulat kamay ng kanyang ama ay tumutulo ang luha ni Prema, sa napakatagal na panahon napuno ng galit ang dibdib niya para sa ama. Pero dahil sa kanyang nabasa ay naintindihan niya kung bakit iniwan siya dito. Pero ang pinakamasaklap at hindi niya matanggap ay ang katutuhanang binigo niya ang ama. Quoria is no longer an Empire. Isa nalang itong nakaharian, she wasn't able to protect it gaya ng gusto ng ama. And now namimiligro na naman ang kaharian dahil maysakit ang hari at baka sa mga susunod na araw ay mawala na rin ito.
Her father believed in her. At nandito na siya ngayon. She is a powerful and seasoned warrior. Simula sa araw na ito, ipinapangako niya na poprotektahan niya ang kaharian sa lahat ng kanyang makakaya. But first, kailangan niyang ipaayos ang kanilang bahay at lupain. She will put it back to it's old glory. And then, she will go into the castle and see the king.
But it was easier said than done. Mas nanaisin pa ni Prema na mag ensayo buong maghapon kaysa ang maglinis. Finally feed up, she walk out of the house and went to the Inn. Habang nakaupo sa counter at umiinom ng beer ay kinausap ni Prema ang bartender na nagngangalang Tanner. Malaking lalaki si Mang Tanner who have smiling eyes,ang katawan nito ay more on fat than muscle pero mukhang mabuting tao ito.
"Mang Tanner, may alam ka ba na mga tao na naghahanap ng trabaho?" Tanong ni Prema dito.
"Marami. Anong klaseng trabaho ba?" Dudang tanong nito. Akala siguro niyo may ipapatay siya.
"Kailangan ko ng maglinis ng bahay, magputol ng damo at hardenero."
"Ah yon ba!" Nagulat pa ang lahat ng biglang ihampas nito ang kamay sa counter. Lumundag ang baso ni Prema sa lakas ng impact na nakalapag sa counter, buti nalang at napapangalahati na siya sa nainom kaya hindi tumilapon ang laman. "Marami pero, ang tanong saan bang bahay?"
Suminyas si Prema dito na lumapit. Inilapit naman niyo ang mukha sa kanya. Hindi nakaligtas sa paningin ni Prema na bahagya ding inilapit sa kanilang direksyon ang mga tainga ng taong naroroon, probably trying to hear. And here she thought na hindi siya napapansin ng mga tao roon, napailing siya. Inilapit ni Prema ang bibig sa tainga ng bartender, amoy pawis at tabacco ito pero hindi amoy alak. Good. "Wag kang magpakita ng reaksyon sa sasabihin ko, handa ka na ba?" Hinintay ni Prema na tumango ito, when he did, muli siyang bumulong dito. "Strongbow Manor."
Nanatili ang matandang lalaki sa kinaroroonan nito kahit umupo na ng maayos si Prema, unti-unti rin na namumula ang mukha nito. Akala siguro binibiro niyanito. Bahagyang inangat ni Prema ang hood, just enough for the man to see a glimpse of her face. Ang kaninang namumulang mukha ay napalitan ng pamumutla. Prema was strumming her fingers on the wooden counter, patiently waiting for the man to recover. Finally tumikhim ito at kumuha ng maiinom at tinungga iyon hangang sa maubos.
"My sincerest apology my Lady." Bulong nito. Sabihin mo sa akin kung kailan mo kailangan my--- at darating sa harapan ng inyong tirahan ang mga tao na hinahanap mo. Mga taong mapagkakatiwalaan mo." Dagdag pa nito.
Bagaman hindi maintindihan ni Prema kung bakit ganun ang reaksyon ng bartender ay binalewala niya. Ganun talaga ang reaksyon nakukuha niya sa tao, dapat masanay na siya after all isa siyang elfo.
"Aasahan ko yan Mang Tanner." Sabi ni Prema dito pagkatapos makatanggap ng tango mula sa kausap ay tatayo na sana ng bumukas ang pinto at pumasok ang limang kalalakihan. Lihim na pinagmasdan niya ang mga ito. Nakapagtatakang biglang naging bakante ang malaking lamesa sa isang sulok. Umupo agad doon ang lima.
"It's my birthday Leon, kaya pagbigyan mo na ako!" Nakangising sabi ng lalaking may itim na alon alon na buhok na. Gwapo ito, lalo na paglumabas ang dimple nito sa magkabilang pisngi.
BINABASA MO ANG
ViticiPrema *Elemental Mage Prequel*
ФэнтезиA wonderer with no family, allegiance and loyalty. As a young child, she was left in the world of human. After the First War there was chaos in the Empire of Quoria. Without an Empress to rule it leaves the empire vulnerable. Her father left her...