Hanggang kailan nga ba?
Hanggang kailan ako masasaktan?
Masasaktan habang lumalabas sa aking mata ang mga tubig na may kasamang dumi.
Dumi na bumabalot sa aking pagkatao na paulit ulit nililinis ng iba at mulit muling dudumihan NIYA.
Hanggang kailan ako masasaktan kasama ang mga luha kong nag uunahan bumaba dahil gusto nang kumawala?
Na sila'y sawa na sa aking katangahan at sa aking katawa'y gusto ng lumisan?
Na paggising ko ng umaga masakit ang aking ulo sa kakaisip sa mga nanagyayari. Masakit ang aking katawan sa paulit ulit na naalala na ikay nasa aking tabi. Masakit ang aking paa sa kakahanap kung nasaan ka nagtungo. Na bakit ka lumayo at ako'y iniwan, iniwang nag iisa na ikay parang bula at bigla nalang naglaho?
Masakit ang mata sa mga nakikita na masaya ka na pala sa kanya. Na hindi na ako ang dahilan ng pagsingkit ng iyong mga mata at tila hindi na ako ang hinahanap ng iyong paningin. na Masakit ang puso dahil hindi parin nito matanggap na ika'y wala na. Wala na aking mahal na kahit minsa'y hindi ko sinukuan, na kahit minsa'y hindi ko ipinaramdam na ika'y nagkulang, nagkulang na ako'y pahalagahan kaya pati ikaw ay nawala at unti unting binabali ang sariling sanga na iyong kinakapitan.
Hanggang kailan? Hanggang kailan ako masasaktan?
BINABASA MO ANG
Hanggang kailan?
RomanceSa mga taong nakabangon. Sa mga taong nakaya. Sa mga sawa nang masaktan. Salamat at hindi na tayo tanga. Sa mga taong nakaranas ng sobrang hirap sa pagmomove on. Sa mga taong pakiramdam nila ay kahit kelan ay di naman sila minahal ng taong majal na...