Hanggang kailan? Hanggang kailan ako magiging malungkot? Hanggang kailan huhugos ang aking mga labi na akala mo'y bahaghari. Hanggang kailan ko iisipin ang mga ito. Itong mga naiisip kong dahilan kung bakit ayaw mona. Ayaw mo na sakin, o ayaw mo naman talaga sakin. Na hindi mo ako gusto at parang ikaw lang ay nabighani nung una at ngayo'y sa iba na.
Sa iba na, ibang tao na ang iyong nagustuhan at oo nalulungkot ako, nalulungkot ako na siya na ang kasama mo at hindi ako. Oo nalulungkot ako na sa tuwing naalala kita sa mga bagay, napapaisip din ako. naalala mo din ba ako? Naalala mo ba ako sa tuwing ako'y nasasamid? Na kapag nalaglag ang kutsara iisipin mong ako ang dadating? Na kapag nakagat mo ang iyong dila bibigyan ka nila ng letra at hihilingin mong maibigay ang unang letrang nasa aking pangalan? Nakakalungkot. Nalulungkot ako. Na araw araw tinatanong ko sa aking sarili na pano ako magiging masaya, magiging masaya pa nga ba? Kaya ko bang maging masaya? Masayang wala ka na? Masayang ako nalang mag isa? O masayang, masaya ka na sa iba? Malungkot ka naman. Hinihiling ko na sana kahit minsa'y ikaw ay nalungkot din, nalungkot nung ako'y iniwan mo. At pinanalangin na sana'y pinagsisihan mo. Pinagsisihan mong ako'y pinakawalan mo. At hiniling sa taas na bumalil sya akin. Ngunit hindi, iyon ay imahinasyon lang. Na hindi mangyayari kailanman. Dahil masaya ka na habang akoy nalulungkot. Masaya ka na sa kanya. Masaya la din naman sa akin noon diba? Diba? Naging malungkot ka na ba?
Hanggang kailan? Hanggang kailan sisimangot ang aking mukha? Hanggang kailan ako magiging malungkot?
BINABASA MO ANG
Hanggang kailan?
RomanceSa mga taong nakabangon. Sa mga taong nakaya. Sa mga sawa nang masaktan. Salamat at hindi na tayo tanga. Sa mga taong nakaranas ng sobrang hirap sa pagmomove on. Sa mga taong pakiramdam nila ay kahit kelan ay di naman sila minahal ng taong majal na...