Anong nangyari sayo?! Bakit ganito? Wag mo namang gawin sakin to oh.
Wag moko iiwan. Papayag nako sakanya ka pero wag mokong iiwan. Hanggang dun lang ako. Hindi kita papalayain kasama niya. Ang sama ko ba? Pasensya ka na. Ganon talaga. Na kahit palihim. Na kahit na patago. Okay lang. Kuntento nako. Wala din naman akong magagawa kahit malaman ng iba kasi may nagmamay ari na sa iyong iba.
Nawala ka na sakin pero sana huwag kang bumitaw. Alam kong kaya mo kaya kakayanin ko din. Kakayanin ko kahit ang hirap. Kahit ang sakit. Kahit na pakiramdam ko ay ikakamatay ko. Pero para sayo mahal ko. Kaya ko. Kahit ano.
Hindi ako makalapit sayo. Hindi ko kayang makita ka pa. Pero gusto kong sabihin na..
Na gusto kitang yakapin ngayon. Gusto kong malaman mo na.. Sayo lang ako. Na parati naman akong sayo at hindi yun magbabago.
Na gusto kong humiga sa dibdib mo tapos sabay ulit tayong manunuod ng bawat pagkislap ng mga bituin sa langit.
Na gusto kong itirintas mo ulit ang mga buhok ko.
Na gusto kong lalagyan mo ulit ng kulay ang mga kuko ko.
Na gusto sa akin mo na lang ulit gawin ang mga iyon.
Na bakit hindi na pwede.
Na bakit wala na.
Na bakit siya na.
Pero ngayon ang hihilingin ko nalang ay ang gumising ka.
Baka sakali na maisip mo den na ako parin ang mahal mo.
Handa akong magpakatanga.
Handa akong magmukhang tanga.
Handa akon masaktan ng paulit ulit.
Handa naman ako lagi.Basta para sayo.
Basta masaya ka.Pero tandaan mong nandito lang ako palagi. Hihintayin ka.
Hihintayin ka hanggang bumalik ka.
Kahit na sa tingin ko'y wala nakong inaantay.
Kahit na ayaw mo na.
Kahit na ano pa.Andito ako. Nandito lang ako.
Iintayin kita mahal ko.Magiintay ako...
![](https://img.wattpad.com/cover/63620126-288-k658725.jpg)
BINABASA MO ANG
Hanggang kailan?
Storie d'amoreSa mga taong nakabangon. Sa mga taong nakaya. Sa mga sawa nang masaktan. Salamat at hindi na tayo tanga. Sa mga taong nakaranas ng sobrang hirap sa pagmomove on. Sa mga taong pakiramdam nila ay kahit kelan ay di naman sila minahal ng taong majal na...