Twelve.

9 0 0
                                    

Hanggang kailan? Hanggang kailan ko pa kailangan itago ang lahat? Ang sabihing mahal pa kita. Na handa akong magpakatanga. Kasi una palang, noon palang, noong araw na nahulog ako sayo, dun palang tinagurian nakong tanga. Tanga kasi minahal kita. Na alam kong sasaktan mo lang ako pero tinuloy ko parin kasi mahal kita! Mahal kita kahit gago ka. Kahit na lagi kang tumitingin s ibang babae mahal kita. Gusto kong sabihin sayo ngayon to pero paano? Paano ko ito masasabi kung na sakanya ka na? Kung mayroon ng ibang nagmamay ari sayo. At sa tingin ko mas gusto nila kayo. Mas bagay kayo. Mas nagkakasundo kayo. Mas gusto ng mga tao ang "KAYO". Hindi naman ako nagkulang diba? Binigay ko naman lahat. Tanga nga diba? Pasensya la na mahal ko kung hindi kita nakayang ipaglaban, kasi nung nakita ko ang mikha mo kung gaano ka kasaya sa kanya sumuko na ako. Sumuko na ang tangang nagmamahal sayo. Wala akong laban eh. Mahal ka niya, mahal mo siya. Ang sakit. Pero yun ang katotohanan. Bakit ba hindi ko minulat ang mata ko nung una palang? Kasi tanga nga ako at mahal kita. Pero hayaan mo, susubukan ko. Susubukan kong ilayo ang puso ko sayo. At buksan ito ng panibago, sa taong kaya ako mahalin kagaya ng pagmamahal ko. Yung magiging masaya siya sa pagtingin sa akin, kagaya ng kung paano ka maging masaya kapag tinitignan mo siya. Lilingon na ako. Handa na ako. Susubukan ko na. Kakayanin ko na. Nakakapagod na din at nakakasawang magpakatanga sa taong walang ginawa lagi kundi ang saktan ka.

Hanggang kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon