Hanggang kailan? Hanggang kailan ko paniniwalain ang sarili kong mahal.mo parin ako? na isang araw ako'y iyong padadalhan ng mensahe at ngingiti ako sa aking nabasa na lahat ng iyon ay katotohanan ,na lahat ng iyon ay sadya dahil ako'y mahal mo pa. Na masaya tayong nagsasama, na masaya tayong dalawa. Tayong dalawa. Hindi nang mga kalandian mo. KALANDIAN. Mga taong alam na may nag mamay ari sayo pero patuloy na dumidikit at minsa'y binalak na agawin ka sa akin. Bakit ka nakikitungo sa kanila? Gusto mo rin ba sya? O sila? Mas gusto mo na sya kaysa sa akin? Ano bang mayroon siya na wala ako? Kaya niya bang gawin ang mga bagay na ginagawa ko sayo? Kaya mo na ba akong ipagpalit? Kaya mo na ba akong bitawan? Oo nga pala sandali, nakakatawa ako pala'y nanaginip nalang at nananalangin na sana ay akin ka pa rin. Na ako'y umaasa nalang na mahal mo ako. Naitanong mo ba sa akin noon kung gaano kita kamahal? Kung gaano kita kayang ipaglaban? Hindi nga pala. Hindi mo ako natanong kasi malamang sa kanya mo yan naitanong. Na siya kasi ang iyong mahal at hindi ako. Na siya ang totoong mahal mo at ako'y kinailangan mo lang. Kinailangan mo panandalian noong mga oras na wala ka.
Hanggang kailan? Hanggang kailan ako aasang ako'y mahal mo pa?
BINABASA MO ANG
Hanggang kailan?
RomanceSa mga taong nakabangon. Sa mga taong nakaya. Sa mga sawa nang masaktan. Salamat at hindi na tayo tanga. Sa mga taong nakaranas ng sobrang hirap sa pagmomove on. Sa mga taong pakiramdam nila ay kahit kelan ay di naman sila minahal ng taong majal na...