Pitong buwan pitong buwan na ika'y wala na sa akin. Pitong buwan na rin ang pagbuhos ng aking dugo. Dugong ikaw lang ang kayang bumuhay ulit. Ikaw lang kayang magpatakbo ulit. Na ikaw lang ang kayang pumulot nito at ibalik sa kung saan man ito naririto. Pitong napakalungkot na araw. Sana naririnig mo ang sinasabi ng utak ko ngayon, sana naririnig mo ang pintig ng puso ko ngayon. Utak at puso kong palaging nagtatalo dahil sayo. Palaging magkaiba sa bawat desisyon. Hindi mo ba naisip na kamustahin ang isang tulad ko? Sabagay sa tingin mo nga pala'y napadaan lang ako sa buhay mo. Na umiiyak parin ako kada gabi, iniisip ka, inaalala ka at tila ikaw ang hiling sa bawat dasal na aking ginagawa. Naririnig mo ba yun ha? Nakakarating ba sa iyo? Nararamdaman mo bang nag aalala ako? Sabagay pagmamahal ko nga sayo binalewala mo. Kung hindi ma'y alam kong may dahilan ang mga ito. Hihintayin ang bawat palatandaan at palaisipan na ibibigay neto. Una na sana'y mamiss mo ko. Pangalawa na sana naalala moko. Tatlong salita na sanay marinig ko mula sayo. Pang apat na sana'y naiisip mo parin ako. Sa bawat pagsinok at pagbigay nila ng letra na sakto sa simula ng una sa pangalan mo ay umaasa ako. Panglima na sana akin ka parin no? Anim na sana mahal mo parin ako. At pito na sana masaya ka kahit wala ako.
BINABASA MO ANG
Hanggang kailan?
RomanceSa mga taong nakabangon. Sa mga taong nakaya. Sa mga sawa nang masaktan. Salamat at hindi na tayo tanga. Sa mga taong nakaranas ng sobrang hirap sa pagmomove on. Sa mga taong pakiramdam nila ay kahit kelan ay di naman sila minahal ng taong majal na...