Fifteen.

7 0 0
                                    

Hanggang kailan pa ba? Hanggang kailan makikita ng mga kaibigan ko ang mukha kong pinagsakluban ng langit at lupa. Na hindi nila alam kung masaya na ba ako. Masaya na nga ba ako? Na kahit ang sarili ko'y hindi alam. Walang alam. Wala nang alam gawin. Kundi ang mahalin ka. Na sabi ko okay na. Na sabi ko gusto ko na. Sabi ko kakayanin ko na pero hindi ko iyon magagawa kung lagi ko kayong nakikita. Nakikitang masaya sa araw na malungkot ako. Na bakit ang dali lang para sayong palitan ako! Na bakit ang bilis mong kalimutan ako! Na bakit ngayon ay siya na ang mahal mo? Bakit hindi na ako? Bakit hindi na si Maz na baby mo? Bakit hindi na si Maz na sweet sayo? Bakit hindi na si Maz na ako?

Gusto kong..

Gusto kong bumalik ka na. Bumalik ka na oh. Hindi ka ba nalulungkot na nalulungkot ako? 😪 wala na ba talaga akong halaga sayo? Kahit kaunti. Kahit patak. Kahit katiting lang. Kahit itsapwera lang. Malaman ko lang na mahal mo pa ko. Sabihin mo lang na mahal mo ako. Babalikan kita. Ipaglalaban kita. Ipaglalaban naten to.

Miss na kita.

Kailan ka ba babalik? Kailan mo balak bumalik sakin?

Alam kong masaya ka na sakanya pero mas masaya ka naman sakin noon diba?

Hinihiling ko gabi gabi.
Na sana paggising ko nasa tabi na ulit kita. Bubulabugin at kakatukin ang pinto na akinh kwarto at pipilitin na sumama sayo.

Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya ang mga nangyayari sakin.

Magwawalong buwan na pow magwawalong buwan nakong lugmok sa paghihirap kong ito. Na gusto ko nalang mamatay. Mamatay kagaya nang pagpatay mo sa masaya kong puso! Na gusto ko nalang mawala sa mundong to. Kagaya nang pag alis mo bigla at mag isang iniwan ako, Na gusto ko kase ikaw lang ang kasama ko.

Ikaw lang.

Hindi siya, o sila.

Nakakabaliw na.

Gustuhin ko man pero wala na.

Wala ka na..

Kailan ba matatapos ang mga guhit sa aking mukha?

Hanggang kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon