Five.

15 0 0
                                    

Hanggang kailan? Hanggang kailan ako uupo sa sulok at iiyak? Iiyak hanggang maamin mo sa iyong sarili na ako'y mahal mo pa. Na kulang ka kapag wala ako. Na iiyak ka din kase namimiss mo ako. Kase ako oo, sobrang oo, sobrang nalulungkot ako, sobrang namimiss kita, sobrang mahal kita. Na dumating sa puntong nabkukulong sa isang madilim na sulok nang kwarto at ilalabas lahat ng hinanakit. Na wala nang pumapatak na luha sa akinh mata. Nauubos sa araw araw kong pag aalala. Na kahit wala kang pakialam ako meron. Na kahit ayaw mo na sakin nandito padin ako. Na kahit galit ka susuyuin pa din kita. Na kahit hindi mo na ako mahal mamahalin pa din kita. Mamahalin kita kahit sawa na ka. Sawa ka na sakin. Sawa ka na diba? Sawa ka na sa mga pangungungulit ko. Na ginagawa ko kasi gusto ko lang namang lambingin mo ko. Sawa ka na sa mga kaartehan ko. Na ginagawa ko lang para hindi ka magsawa sa akin. Kase gusto ko sabihin mo sakin na "para sa akin ikaw ang pinakamaganda" na kahit sa ganoong paraan maramdaman kong mahal mo ko. O kahit gusto mo nalang ako. Gusto mokong nasa tabi mo. Na kapag madilim ay yayakapin mo ko at hindi ako matatakot. Na kapag umiyak ako pupunasan mo ito at susubukan mong patawanin ako.
Hanggang kailan? Hanggang kailan ako uupo sa tatsulok na ito habang hawak ang larawan mo? Hanggang kailan ako magpipigil ng tubig sa aking mata?

Hanggang kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon