Hanggang kailan? Hanggang kailan ako aasa? Aasa na babalik ka at akoy muling iibigin. Gusto ko na makita ka ngunit gusto mo rin ba akong makita? Na alam kong hindi na. Hindi mo na gusto, ginusto o gugustuhin. Ngunit bakit? Anong aking nagawa? Saan akong parte nagkulang?
Sa parte bang ako ang laging umiintindi? Sa parteng sinusuyo kita kahit na lagi mokong sinusungitan? Na kahit ikaw ang mali ay ako ang lalapit para ikay mapangiti? Sa parte bang hinahayaan kitang sumama sa mga kaibigan mo kahit na minsan lang tayo magkita? Sa parte bang kahit tayo na kahit na masakit na tinitiis ko lahat ng hirap kasi mahal kita? Saang parte ba? Bigyan mo naman ako ng dahilan! Bigyan mo ko ng magandang dahilan. Nababaliw nako nababaliw ako kakaisip kung saang parte ako nagkamali at kung pwede'y itama ang mga iyon bumalik ka lang, bumalik ka lang. Bumalik sa akin at ulitin ang mga masasayang araw na naganap at hindi ang masasalimuot na nangyari na... hindi na para dumating sa puntong ako'y iiwan mo ulit at ako uli'y mangungulila. Hindi na para ako'y magtanong kung aasa pa ba akong babalik ka. Babalik ka pa ba?
Hanggang kailan? Hanggang kailan ako aasa?
BINABASA MO ANG
Hanggang kailan?
RomanceSa mga taong nakabangon. Sa mga taong nakaya. Sa mga sawa nang masaktan. Salamat at hindi na tayo tanga. Sa mga taong nakaranas ng sobrang hirap sa pagmomove on. Sa mga taong pakiramdam nila ay kahit kelan ay di naman sila minahal ng taong majal na...