Hanggang kailan? Hanggang kailan ako makikipagkumpitensya? Makikipagkarerahan sa kanya patungo sa puso mo? Na ngayon na kahit ako mauna ay siya parin ang panalo para sayo? Na kahit anong gawin ko ang bagsak mo pari'y sa kanya? Anong bang meron siya na wala ako? Maganda? Matalino? Mabait? Oo nga pala siya ang mahal mo. Ang sakit parati na sakin, kung iisipin bakit hindi ko pa kayang bumitaw? Kaya ko rin namang maghanap ng iba at maraming gustong manligaw. Pero katangahan ko ang pinapairal, ikaw kasi ang mahal ko. Ikaw lang mamahalin ko. Ikaw lang ang minamahal ko. Sawa na akong makumpara sa iba, pero bakit ngayon ako na ang humahanap ng mali sakin at tinitignan ang pagkakaiba ko sa kanya?! Hindi pa ba sapat na husgahan ako ng buong mundo at ipinagsisigawan nila na hindi ako bagay sayo? Na kahit ang mga nadadaanan nating linya ay pinaghihiwalay tayo, pati ang mga ulap na tumatakip sakin at lumiliwanag sayo, lalo na ang mga taong walang ibang ginawa kundi pagtsismisan tayo, o ako. Pero kahit na ilang bes nila tayo paghiwalayin, ilang beses ka nila ilayo sakin. Hindi mo mababago kung anong tinitibok ng damdamin. Mahal kita kahit may iba ka na, Mahal kita sa kabila ng nangyayaring ito. Mahal kita kahit masakit na. Mahal kita kahit hindi mo na ako mahal. Mahal kita kahit ilang beses pako madapa para lang makipagkumpitensya. Babangon ako hahabulin ka ulit. Hintayin moko sa dulo at tatakbo ako hanggang kaya ko.
BINABASA MO ANG
Hanggang kailan?
RomanceSa mga taong nakabangon. Sa mga taong nakaya. Sa mga sawa nang masaktan. Salamat at hindi na tayo tanga. Sa mga taong nakaranas ng sobrang hirap sa pagmomove on. Sa mga taong pakiramdam nila ay kahit kelan ay di naman sila minahal ng taong majal na...