Eight.

12 0 0
                                    

Hanggang kailan? Hanggang kailan ako magpapakaemo sa tuwing sasakay ako? Sa tricycle na mahangin? sa jeep na siksikan? sa bus na mainit? Pwede bang sayo nalang mahal ko? Mahal kong kahit na mahangin ka tanggap kita. Mahal kong kahit ipinagsisiksikan ko ang sarili ko sayo dahil tanga ako naiintindihan kita. Mahal kong kapag mainit ang ulo ko mag iinit din ang ulo mo. Pero kahit na mahal ko, kahit na ano ka pa dyan, kahit na ikaw ang iilan, akin ka. Akin ka lang sa bawat pagpanik ko sa buhay mo. Akin ka lang sa bawat paghanap mo ng bakanteng espasyo para sayo. Akin ka lang sa bawat pag upo mo kahit hindi ako ang katabi mo. Akin ka lang sa bawat pagdungaw mo sa bintana, hihiga, nakasalamin tapos papatugtugin yung paborito nating banda. Tapos sasabayan mo, pero sana kasabay den nun ang pag aalala mo sakin na oo nga pala bakit ba hindi ko sya kasama? Akin ka lang sa bawat inip at pawis na kinaiinisan mo. Akin ka lang sa bawat pagsabi ng "Sa tabi nalang po" nya ako ulit sasama o kaya nama'y "Para napo" sakanya ang lahat ng aking ginagawa. Akin ka lang sa bawat pagbaba mo kahit na san man ang iyong patutunguhan.Na iintayin ko ang iyong pagbabalik. Iintayin kong balikan mo ako kung saan mo ako iniwan. Iintayin kong higitin mo ang aking kamay at saki'y sabihin na "pasensya na pero heto ako ngayon hindi kita kayang iwan, kaya samahan mo ako sa aking paglalakbay. Paglalakbay na sabay nating pinangarap. At pangarap, Pangarap na ating pinlano ng tayo'y nagmamahalan pa💔.
Hanggang kailan? ---

May naalala ako dito habang sinusulat ko to. Hahaha share ko lang po. Mwa.

Hanggang kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon