Hanggang kailan? Hanggang kailan pa kaya ako magpapakatatag? Alam ko ang sagot. Alam ko. Hanggang kaya ko. Hanggang sa matapos to. Hanggang mawala ang kahibangan ko sayo. Nakakasawa na din eh. Nakakasawang pilit kong binubuo ang mga piraso ng basag na salamin. At pilit mo ding binabasag ng mas maliliit para mas mahirapan akong mabuo ulit.
Ikaw!
Ikaw na mismo ang gunawa nang dahilan para bitawan kita. Para ayawan kita. Bakit?!
Gusto kong malaman bakit? Pero ayoko ding malaman kasi masakit!
Masakit tanggapin na ang katotohanan ay may gusto ka nang iba. May mahal ka nang iba! Na hindi na ako at siya na! Na hindi na tayo kung di kayo na! Na sa kanya mo na gagawin ang mga ginagawa mo sa akin noon. Na saknya na ang atensyon mo ngayon. Na nagbago na ang lahat maraming araw, buwan at maging taon na ang lumipas pero tangina mahal pa din kita. Mahal padin kita kahit nakakasawa na. Mahal pa din kita kahit ayaw mo na. Mahal padin kitang gago ka. Mahal padin kita kahit ang sakit sakit na! Pero hindi. Tama na. Tama na ang lahat ng ito. Itigil na natin itong mga kadramahan na to. Kasi baka mamaya bumalik pa ang lahat, mag uumpisa nanaman ako at heto mapag iiwanan na naman ako. Na karerang to ako nanaman ang talo.
Na yan! Isa pa yan! Lagi akong nakukumapara. Lagi nalang mas. Laging may kaso. Magkakaiba tayo! At hindi talaga magiging ako ikaw! O ako siya! O ako kung sino man! Ang ako ay ako. Tao den ako. Hindi ako manhid. Lahat ng hinanakit na ginagawa mo sakin, lahat tumatagos sa akinh damdamin. Lahat nararamdaman ko. Lahat nasasalo ko eh. Mas pinili ko na nga lang na ako masaktan kesa kayo. Kasi hindi ko kayang maging kontrabida sa kung ano mang storya ang binubuo niyo. Magiging masaya na lang ako. Para sa inyo.
BINABASA MO ANG
Hanggang kailan?
RomanceSa mga taong nakabangon. Sa mga taong nakaya. Sa mga sawa nang masaktan. Salamat at hindi na tayo tanga. Sa mga taong nakaranas ng sobrang hirap sa pagmomove on. Sa mga taong pakiramdam nila ay kahit kelan ay di naman sila minahal ng taong majal na...