Hanggang kailan? Hanggang kailan papait ang aking mukha kapag ika'y nakikita? Nakikita sa mga bagay na ika'y naalala. Naaalala ang mga bagay na ginagawa mo sa akin na ngayon ay sa kanya na. Na kapag minamasdan ang kama nakikitang kng tulog at ngingiti dahil sa mala anghel mong mukha. Na kapag nakikita ang salamin kumikinang ang akin mga mata dahil sa iyong pagtawa. Na kapag nakikita ang kusina ako'y nangingiti dahil aking naaalala kung gaano katakaw. katakawan na pati ata pride ay nakain mo na. Na pati ang pasensya'y naubos na. At pati ang pagtitiwala'y wala na. Na kapag meron ako, ako dapat ang iyong sinusuyo ngunit ako parin ang nakikisama. Ako na halos ang gumagawa ng pag iibigan natin pero bakit ako ay iniwan mo parin? Hindi pa ba sapat ang halos buong buhay kong pag aalay at kahit sinasabi sa akin ng ibang mga tao na mali. Mali ang desisyon ko. Desisyon na ialay to sayo. Naiinis ako kapag sinasabi nila yun. Na halos makipag suntukan ako wag ka lamg nila laitin. Wag ka lang nilang husgahan. Wag lang nilang isipin na ika'y hindi dapat para sa akin. Wag lang nilang sabihin na hindi ka dapat nariyan dahil hindi mo ako kayang mahalin. Okay lang ako. Kaya ko. Kaya kong hindi mo ako mahal. Basta ikaw ay nasa aking tabi at ipangakong ika'y hindi na muling aalis. Aalis nanaman. At makikita uli ang iyong mukha na masaya at hindi ako may gawa.
Hanggang kailan? Hangang kailan ako magiging bitter? Hanggang kailan nga ba?
BINABASA MO ANG
Hanggang kailan?
RomanceSa mga taong nakabangon. Sa mga taong nakaya. Sa mga sawa nang masaktan. Salamat at hindi na tayo tanga. Sa mga taong nakaranas ng sobrang hirap sa pagmomove on. Sa mga taong pakiramdam nila ay kahit kelan ay di naman sila minahal ng taong majal na...