Hanggang kailan? Hanggang kailan ba ako maghahanap ng iba? Maghahanap ng iba para makalimutan ka? Na ipapalit panandalian para sabihing masaya ako kahit wala ka? Na sabi nga nila siya na ba? Wow congrats rebound lang pala. Na akala nila okay na. Akala ko din eh. Akala ko kaya ko. Akala ko pwede nang wala ka sa buhay ko, wala ka sa tabi ko, wala ka sa akin. Kunwari lang pala. Kunwari lang lahat. Kaya nga okay lang din sakin kahit kunwari ako ang mahal mo. Nakakalito. Nalilito ako. Kasi isang araw nakita kita pero walang hinanakit na dumaloy sa katawan ko. Na ang tanging naramdaman ko ay ang pagiging masaya mo, niyo.... Masaya kayong naglalaro at nagtatawanan, masaya kayong dalawa na magkasama, masaya kayong, kayo ang nagkatuluyan. At ako'y iniwan na sana nga iyon ay panandalian.. Panandalian na ako'y iying babalikan at sya nama'y iying iiwanan. Na maiparamdam sa kanya kung anong pakiramdam ng maagawan.. masapawan.. Sa tingin ng taong mahal mo. Na hindi mo kayang mawala sayo. Na minahal mo ng buong puso mo. Pero sinubukan moko. Sinubukan mong maghanap ng iba at nagtagumpay ka. Ngayon ay naiwan akong luhaan dahil lang sa kanya. Sa kanya na bigla nalang pumasok sa buhay natin ng ilang segundo palang. Ipinagpalit sa matagal mo nang kasama, karamay.. Sa bawat pagsubok na dinaan ako ang kasama mo. Ngayong masaya ka sya ang kasama mo pero kapag nagkaproblema iiwan ka rin niyan. Iiwanan ka lang niyan. At ano? Kapag iniwan ka na, Kanino ka tatakbo at sasabihing nagkamali ka? Sasabihing hindi mo ito sinasadya? Na kailangan mo siyang piliin dahil naipit ka? Hindi eh. Mali. Maling mali. May pagpipilian ka. Kaya mong mamili ng tama o mali. Pero pinili mo siya. At nang nakapagdesisyon ka na, kaya wala na akong nagawa. 😔
BINABASA MO ANG
Hanggang kailan?
RomanceSa mga taong nakabangon. Sa mga taong nakaya. Sa mga sawa nang masaktan. Salamat at hindi na tayo tanga. Sa mga taong nakaranas ng sobrang hirap sa pagmomove on. Sa mga taong pakiramdam nila ay kahit kelan ay di naman sila minahal ng taong majal na...