Salamat! Salamat kasi kahit papaano napasaya mo ako. Napasaya mo ako sa sandaling magkasama tayo. Sa mga maliligayang araw nating nabuo noon. Noon. Noong ako pa iyong mahal, noong hindi mo pa ako binibitawan, noong ako pa lang ang laman ng puso mong ngayon ay kasing tigas na ng bakal. Na para bang sa tuwing ako'y nakikita mo ay parang akong basura para sa iyo. Na para akong asong gala na napakadungis na wari'y pinandidirihan iyong mukha at ang makita ako ay di mo ninais. Pero salamat. Kasi kung hindi mo ito gagawin ay malamng tanga pa din ako. Tanga pa din akong aasa sayo. Tanga pa ding mamahalin ka. Tanga pa din hahabul habulin ka na kagaya ng paulit ulit kong sinabi na matapos ko man ang karerang ito ay may nakaabang na sayo. Na kailanma'y hindi na magiging ako. Kaya salamat. Salamat kasi ginawa mo ito. Dahil dito matututo na ako. Matututo akong lumugar kung saan naman talaga dapat ako. Hindi ito madali pero susubukan ko. Susubukan kong kalimutan ka. Na sana pag nakita ulit kita balang araw ay wala nang hinanakit pa ang madadama. Na hindi na ako masasaktan tuwing nakikita ka o kayo. Kayong magkasama. Kayong masaya habang ako eto padin at lumuluha. Pero ibibigay ko lahat ng aking makakaya, makaya na tignan ka sa iyong mga mata na pareho na tayong masaya.
BINABASA MO ANG
Hanggang kailan?
RomanceSa mga taong nakabangon. Sa mga taong nakaya. Sa mga sawa nang masaktan. Salamat at hindi na tayo tanga. Sa mga taong nakaranas ng sobrang hirap sa pagmomove on. Sa mga taong pakiramdam nila ay kahit kelan ay di naman sila minahal ng taong majal na...