Nine.

13 0 0
                                    

Hanggang kailan? Hanggang kailan sasama ang tingin ko sa mga masasayang magkasintahan? At lukungkot sa tuwing maalala ko na ipinalit mo ako sa matalik mong kaibigan? Nagtiwala ako sainyo noon oo pero bakit nyo ako niloko? Na ang tanga ko den naman kase naniwala ako sa mga sinasabi niyo. Hindi ko akalain na kaya mo yung gawin sakin. Sabi mo sakin ako lang at puso ko lang ang iyong nanakawin. Pero bakit sumobra ang iyong pagiging kriminal at pati ang iba ang iyong minahal? Na dati ay sa akin ka lang nagagandahan, ngayon parang hampas lupa nalang ako sa iyong paningin at tila pinagtatabuyan.😌 maganda siya oo, pero sigurado ka ba na ikaw ang kanyang minamahal? Hindi ko siya sinisiraan pero walang makahihigit ng pagmamahal ko sayo, mahal. Na kapag ako ang iyong pinili uli ay hindi ka magsisisi, na kapag ako uli ang iyong minahal pagsisiyahin kit lagi, na kapag ako ang iyong binalikan magiging masaya tayo araw, gabi. Naiinggit ako. Naiinggit ako bakit ganon? Naluluha sa bawat makikita. Sa bawat makikita na nagpapaalala na ako'y iyong iniwan na. At pakiramdam na kahit kela'y hindi na babalikan? Dahil sa isang babaeng aking pinagkatiwalaan! At ngayon nasira ang lahat. Na Lahat ng inyo ngayon ay amin dapat.
Hanggang kailan? -----

Bakit ganon? Hahaha.😳

Hanggang kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon