chapter 15: Find and save the Queen

1.5K 78 5
                                    

Chapter 15: Find and Save the Queen

Lance Pov*

Nandito na ako ngayon sa school at nag wawarm up na at nag stretching para mamaya sa practice at dahil practice lang kami ngayon ay naka civilian attire kami pero dapat jogging pants ang suot pang ibaba.

Masyado pala akong maaga dahil 5:30 palang in the morning at 6:00am pa ang practice kaya naman naglakad lakad muna ako ng makita kong nandito na din si athena pero bakit sya lang mag isa?. At wala si kurt eh lagi nman halos magkasabay sila.

Ah alam ko na at dahil medyo madilim dilim pa ay tatakutin ko muna ito hahaha.

Psssttt.

Sinitsitan ko ito at dahil dun napalingon ito kung saan nang gagaling ang tunog pero wala syang nakitang tao kasi nagtago ako bigla haha.

Pssssst!.

Sitsit ko ulit hahaha natatawa ako kasi mukhang natatakot ko sya kaya naman lumapit ako dito ng dahan dahan.

Awoooo......

Awoooo......

Awoooo......

pananakot ko hahaha.

Tumakbo sya ng mabilis dahil sa ginawa ko at hinabol ko ito ngunit pagliko ko sa may pasilyo ay wala sya dito kaya naman naglakad lakad muna ako para hanapin sya kung nasaan ng may biglang kung anong humampas sa likuran ko at biglang dumilim ang paningin ko.
__________

Athena Pov*

Ang aga ko pumasok sa school dahil hindi daw makakapasok si kuya dahil at medyo madilim pa at sa tingin ko ay ako pa lang ang studyante na nandito kaya naman naglakad lakad muna ako ng may biglang sumitsit sa likuran ko kaya naman lumingon ako pero wala nman akong nakitang tao o ano man kaya nman nakaramdam ako ng takot, naglakad ulit ako ng may sumitsit ulit sa likuran ko kaya naman medyo binilisan ko ang paglalakad ko ng may maramdaman akong may kung anong sumusunod sa akin at lalo akong natakot ng may narinig akong tunog.

Awooooo....

Awooooo.....

Awooooo.....

Kaya naman tumakbo ako ng mabilis at nang pagliko ko ay nagtago ako.

Nang may maramdaman akong naglalakad papunta kung nasaan ako ay kinuha ko ung kahoy sa may tabi ko at sakto naman na dumaan ito sa harap ko kaya naman pinukpok ko ito at ng tingnan ko kung sino ay si xander pala, Omg.

___________

Pagmulat ko ng mata ay mukha agad ni athena na umiiyak ang bumungad sakin.

Sh*t ang sakit nun ah, sya pala ang pumukpok sa likod ko.

Ssssshhhh.... tahan na wag ka na umiyak.

Pagpapatahan ko dito habang pinupunasan ung luwa nya ng
Nakaramdam ako ng parang malambot na kung ano sa may ulohan ko kaya naman tiningnan ko ito at nakahiga pala ako sa may lap nya.

Ang swerte mo xander kahit medyo masakit yung nangyari haha sabi ko sa sarili ko.

Baliw ka! Sabi nito sakin na kakatahan lang.

Hahaha takot ka pala eh.

Hindi nuh nagulat lang ako at ang akala ko kasi ay ako pa lang mag isa dito sa school.

Bakit kasi ang aga mo pumasok?.

Wala lang, uy umupo ka na nga naiilang na ako eh.

Gamer's Tale OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon