chapter 4: Link Start!
maaga akong nagising ngayon kaya tiningnan ko ulit ung pinadala sakin nila mama at papa kagabi dahil hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung ano to at kung para saan to.
pano kaya to gamitin tanong ko sa sarili ko habang nakatingin doon.
hmmm.. bahala na nga tsaka ko na un proproblemahin sakto naman na umakyat na si manang rose para gisingin ako.
iho gising na.
gising na po ako manang, bababa na rin po ako.
oh sge bilisan mo dyan at nakahain na ung pagkain.
sge po.
pagkasabi ko nun ay niligpit ko na ung higaan ko at bumaba na at kinain ko na ung hinanda ni manang rose at pagkatapos nun ay naligo na ako at nagbihis.
manang una na po ko.
okey sge mag iingat ka.
lumabas na ako ng bahay at pumunta na ako kela zyrus.
pagdating ko dun, tinawag ko ito agad agad.zyrus bilisan mo baka malate tayo.
Oo nandyan na ko.
Pagkalabas nya ay naglakad lng kami papuntang school kasi medyo malapit lng dito at maaga pa naman.
Bro napanood mo ba ung balita kagabi?.
Alin dun ? Sabi ko
Ung tungkol dun sa VRMMO ung tinatawag nilang Gamer's Tale Online.
Ah hindi ei ano ba un?.
Ano ka ba bro taga bundok?!. Isa ung Virtual Reality Online Game at sikat yun worldwide buti nga nagkaroon na un dito eh.
Ahh...sabi ko,
nagloloading pa rin kasi hanggang ngayon ung isip ko, di ko talaga kasi alam kung ano un hahaha.Maiba ako kailan ka pa nahilig sa mga ganyan?.
Kagabi lng hahaha ang cool kasi,bibili nga ako ng game console nun na tinatawag nilang LinkEnSphere.
Ah bakit kaya LinkEnSphere tawag dun?. Tanong ko kay zy.
Siguro kasi iliLink ka nya sa another dimension and Sphere kasi medyo bilog ito na sinusuot sa ulo na parang goggles.
Ah...
Naalala ko tuloy ung package. Hmmm siguro di naman.
Naputol ang usapan namin dahil malapit na kami sa school at andaming studyanteng nagkakagulo banda doon sa gate.
Xander una nako kasi may meeting pa pla mga student council ngayon.
Vice president nga pala si zyrus ng school na to.
Okey sge.
Umalis na si zyrus at ako naman ay pumunta doon sa mga nagkakagulo,pero naitulak lng ako at dahil dun may nabunggo akong tao.
Ouch!*
S'sorry sabi ko habang nakayuko.
Nahulog lahat ng hawak nitong gamit kaya naman tinulungan ko syang pulutin ang mga ito. habang pinupulot ko ang gamit nya ay napatingin ako dito at nagulat ako sa nakita ko, sya ung babae na nakabunggo ko,oo tama sya si athena sabi ko sa sarili ko at nag isip ng kung ano ano tulad ng : siguro destiny kami kasi pangalawang beses na to na nangyayari hahaha pero bigla na lng syang nagsalita kaya naman nasira ang pagde daydreaming ko.