17: Peace Offering

49K 1.5K 80
                                    

MEAGAN PEREZ' POV

"Ang kulit mo talaga!" Hinampas pa 'ko ni Abbi ng binder notebook sa ulo dahil sa pagkainis niya sa 'kin.

"Aray ko naman, Abbi! Ang sakit a >___<" Reklamo ko pang ganon sa kanya habang kinakamot ang parte ng ulo ko na pinalo niya.

Kinwento ko kasi ang mga pangyayari sa buhay ko kahapon magmula nang umuwi siya. Yung tungkol sa 'hindi' ko napigilang pagpunta kay Van sa ospital.

"Ilang beses ko na ngang pinaulit-ulit sayo na hwag kang pupunta r'on kahit na anong mangyari, pumunta ka pa rin!" Parang nanay pa na bulyaw niya. Nakapameywang pa talaga siya sa 'kin.

"'Yon nga 'yon e. Ilang beses mong inulit ulit kaya naman mas lalo akong na-tempt na gawin." Nakanguso pang pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Ewan ko sayo!" Umirap pang sabi niya at saka pinagkrus ang mga braso.

"Sorry na, bestfriend. Saglit lang naman ako r'on e." Niyakap ko pa siya mula sa likuran.

"Kahit na, pumunta ka pa rin!" Galit-galitan pang sabi niya.

"Nagtatampo siya~" Panunukso ko pa sa kanya at saka tinusok ang tagiliran niya.

"Tse!" Saka siya pumunta sa upuan niya sa may likod at saka naupo. Hindi naman kasi kami magkatabi sa seatplan, nasa may front row kasi ako.

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko tuloy naikwento kay Abbi ang huling sinabi sa 'kin ni Carlo tungkol sa pagkagusto kuno sa 'kin ni Van. Paano ba naman kasi, noong nalaman niya palang na nagpunta ako ng ospital, sunod-sunod na ang ratsada ng bibig niya. Hindi man lang pinatapos ang kwento ko.

"Anak, bakit hindi mo pa inaasikaso ang lists ng mga guests mo?" Tanong sa 'kin ni Daddy habang naghahanda siya ng pagkain sa hapag. Siya kasi ang nagluto ng makakain namin ngayong dinner.

"Guests for what po?" Takang tanong ko. Kumuha na 'ko ng kanin at ng paborito kong Adobong pusit. Yikes! Namiss ko ang lutong 'to ni Daddy. *U*

"Sa debut mo, anak. Birthday mo na sa susunod na linggo, nakalimutan mo ba?" Sabi naman ni Mommy na naglalagay ng pagkain ni Daddy sa plato nito.

Napaisip ako. Oo nga pala, maglelegal age na 'ko next week. Bakit ko nakalimutang magbibirthday na nga pala ako? Dahil siguro sa mga stress na naexperience ko this past few weeks.

"Tayo tayo nalang po ang magcelebrate, Dad." Suhestiyon ko kanila Mommy.

"Hindi naman kami papayag don, anak. Espesyal na araw 'yon para sayo. Dapat, icelebrate natin 'yon sa paraang hindi mo makakalimutan. Gusto kong kasama mo ang mga malalapit mong kaibigan sa araw na 'yon." — Mommy

"Oo nga, Ate. Magcelebrate kana ng debut mo. Para naman makita kitang nakagown, at saka para maisayaw ka namin ni Daddy. Diba Dad?"

Tumango naman si Dad. Sus, naghanap pa ng kakampi ang Luke na 'to. =____=

"Sige po, Mommy, Daddy, at Luke. Kung gusto niyo pong gawing unforgettable ang araw na 'yon, go lang po."

"'Yon o! Sampo na pala kaagad ang nasa listahan ng 18 roses mo, Ate."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Luke.

"Paanong naging sampo? >_>"

"Si Dad, ako, si Tito Garry, tapos yung pito." Maloko pang ngumiti si Luke habang isinusubo ang pagkain niyang nasa kutsara.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon