MEAGAN PEREZ' POV
"Besh, Punta tayo ng SM ngayon!"
"Ngayon na? Bakit?"
"Maya-maya syempre. Sale daw ngayon e."
"Sige punta tayo."
"5pm ah? Sunduin nalang kita r'yan."
"Got it. Babye."
I ended the call. Yehey! May Saturdate kami ngayon ni Abbi. *(^O^)*
Siguradong marami-rami na naman ang mapapamili namin nito. At siguradong hindi na naman kami uuwi hangga't hindi namin naiikot ang buong mall.
"Ate, nareceived mo ba yung text ni Mommy? One month daw siya sa Japan kasama si Daddy." Sabi ng nagsesepilyong si Luke.
"Bakit daw sila nando'n?" Parang wala naman akong nareceived a >.>
"Sabi niya may aayusin daw sila r'on ni Dad. About business siguro."
"A, okay. May iniwan ba raw siyang pera?"
"Hiniwalay niya ang pera mo sa 'kin. Yung sa 'yo nasa ibabaw din siguro ng bedside table mo."
Agad-agad akong tumakbo papaakyat sa kwarto ko at tinignan kung meron ngang iniwan na pera r'on. Meron naman, 7000. Kailangan kong pagkasyahin ang perang 'to sa loob ng isang buwan.
Nanlulumo akong bumaba sa sala. Hindi kasi ako nakahingi kay Mom ng pera para maipangshopping ko. Sayang! Sale pa naman.
"Ate, mag-oovernight ako sa bahay nila Pam." Pagpapaalam ni Luke habang inaayos niya ang mga gamit niyang dadalhin sa overnight niya.
"Sino naman si Pam?"
"Girlfriend ko." Tapos nag-pogi sign siya sa 'kin.
"Hoy! Bakit don ka pa matutulog? Ayos ayusin mo ang buhay mo a. Baka magulat nalang ako isang araw may iuuwi kanang pamangkin ko rito."
"Tutulungan ko lang siya sa assignment niya, Ate. Ang advance mo naman masyadong mag-isip, tss."
"Ayos ayusin mo lang talaga. Kundi, palalayasin kita rito sa bahay."
"Ako naman ang magmamana nito, baka ikaw ang palayasin ko." Dumila pa siya sa 'kin.
Edi kanya na 'tong bahay!
Nagpatuloy na sa pag-aayos ng gamit niya si Luke. Kung isang buwan na mawawala si Mommy, tapos mag-oovernight si Luke, sinong kasama ko rito?
"Luke." Tawag ko sa kanya.
"Bakit?" Sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa 'kin.
"Sinong kasama ko rito?"
"Si lolo." Tumawa pa siya.
Wala na kaming lolo, patay na! *pout*
"Ikaw sana ang samahan ni lolo." Sabi ko.
"Okay lang. Bakit mo ba kasi tinatanong? Syempre wala kang kasama rito."
"E tag-ulan kasi ngayon e. Nabalitaan ko pang anytime, pwedeng bumagyo nang malakas."
"Ano naman? >.>"
"Baka kumulog."
"Ang tirik po ngayon ng araw o. Ang OA kasi mag-isip."
Napatingin ako sa labas. Tirik na tirik nga ang araw. Mabuti naman. Natatakot kasi 'ko sa malalakas na kulog at kidlat. At, mas lalong takot ako sa dilim.
BINABASA MO ANG
I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)
Fiksi RemajaHindi akalain ni Meagan na mula sa isang boring at paulit-ulit na routine ng kaniyang buhay, sa isang iglap ay mababago pala ito nang dahil lamang sa isang gang leader na si Van. She never imagined dahil sa gangster na ito ay ma-eexperience niya pal...
