57: Ashley San Roque (Part II)

30.3K 795 139
                                        

MEAGAN PEREZ'S POV


"Nako! Sir, binabalaan ko na kayo. Ilayo niyo sa 'kin 'yang driver na 'yan. Makakatikim talaga 'yan!" Bulyaw ko roon sa Police Officer na kanina pang umaawat sa 'kin.

Nakakabanas talaga. Talamak na talaga ngayon ang mga manyak. Bwisit! Hipuan raw ba ako habang nasa biyahe? Kunwari pang yung kambyo ang dapat hahawakan tapos biglang dulas sa hita ko?! Ugh! Gago siya, nakisabay pa talaga siya sa pagkabadtrip ko sa maharot na Ashley na 'yon >__<

"Miss, kumalma ka lang naman. Kami na ang bahala sa lalakeng 'to. Hayaan mo nalang na kami ang umayos nito."

"E bakit po ba kasi hindi niyo pa ikulong 'yan?! Ano pa po bang hinihintay niyo, pasko? Malayo pa 'yon!" Sigaw ko. Aba, gusto pa yata nilang may mabiktima pa ulit ang driver na 'to bago pa nila ikulong.

"Miss, pasensya na po. Hindi ko na po uulitin, patawarin niyo na po ako. Ayoko pong makulong." Sabi naman ng driver na may nalalaman pang pahawak-hawak sa kamay ko.

Tinapik ko ang kamay niya. "Hwag mong madikit-dikit sa 'kin 'yang kamay mo, tatamaan ka talaga!" Hinawakan ko ang buhok niya saka ito pinaghihila. "Alam mo, kung matanda ka lang, siguro napatawad pa kita! Kaso, hindi kaya magdusa ka!"

"Miss, tama na 'yan!" Hinila ako palayo ni Police Officer doon sa lalake. "Aba'y napakapalaban naman ng babaeng ire." Nakita ko pang napakamot siya sa ulo.

"Hoy, lalake!" Itinuro ko pa yung driver na halos kaedad ko lang yata, kinulayan ng dilaw ang buhok, at nakajeje attire. "Sa susunod na makita pa kita ulit na pumapasada sa daan, ipapatukhang talaga kita!"

"Hindi na po ako papasada, Ma'am. Sa tatay ko naman po talagang taxi 'yon e, ako lang po ang bumiyahe ngayon." Paliwanag pa niya.

"Aba't!!" Pinilit kong makawala ulit sa Police at sinugod ko na naman ang lalake at pinuntirya na naman ang buhok niya. "Hindi naman pala talaga ikaw ang driver n'on, gumagawa ka pa ng kasalanan! Kung hindi ka nga naman talaga anak ng nanay mo!"

Nagulat ako nang may biglang pumasok sa Police Station, tinanggal ang kamay ko sa buhok nung driver at saka niya ito sinuntok...nang napakalakas.

Kitang-kita ko ang dugo sa ilong nung batang driver.

"Bakit mo siya sinuntok?!" Bulyaw ko kay Van habang hindi pa rin naaalis sa mukha ko ang pagkagulat.

"He deserved that one!" Pansin kong gigil na gigil siya.

"Anong kasalanan niya sa 'yo?! Bakit ka nandito, diba nagtothrowback pa kayo ng Ashley na 'yon?! Nakikipunta ka nalang, manununtok ka pa. Si Bunak ka ba?! Nag-aano lang kami rito, paepal ka, ganon?!" Walang prenong sabi ko.

Nangunot ang noo sa 'kin ni Van. "Ipinagtatanggol lang kita."

"Bakit? Dahil pinagtanggol mo rin noon yung Ashley na 'yon noong minanyak din siya ng taxi driver?!"

"Bakit mo ba ako sinisigawan? Bakit pati sa 'kin nagagalit ka?" Sagot niya sa 'kin.

"Kunwari ka pang hindi mo alam! Kunwari ka pang walang alam. Tangina, all this time, gaya-gaya lang pala ako? Nakakabwisit, aaaaaaarrgg!!" Napapasabunot at napapapadyak nalang ako sa sobrang pagkainis ko.

"Ma'am, Sir, dito pa ba kayo sa presinto mag-e-LQ?" Sita pa sa 'min ng Police Officer.

Si Van ang kumausap doon sa Police Officer para sa magiging punishment nung batang driver. Paano bang nakapunta dito 'yang lalakeng 'yan? Paano niya nalaman na nandito ako? >_<

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon