40: Unworthy

40.5K 1K 135
                                        

MEAGAN'S POV

"Akala ko ba nakapag-usap na kayo ni Van kagabi? E bakit mukhang nalugi pa rin 'yang mukha mo?" Tanong sa'kin ni Abbi. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa cafeteria.

"Nakapag-usap nga kami. Ang kaso, bigla siyang nagdisconnect. Tapos, sineen niya naman yung message ko sa kanya kagabi. Hindi ko malaman kung pinapaasa niya lang ba 'ko or what, tch."

"E baka naman kasi may ginagawa lang, diba? Hwag ka nga masyadong nega diyan. Ang pangit mo na nga, mas lalo ka pang pumapangit. At isa pa, it's too impossible na pinapaasa ka niya to think na head over heels sa'yo si Van 'no. Baka nga ikaw pa 'tong mas nakasasakit sa feelings niya."

Tinignan ko siya. She has a point. It's really too impossible na pinapaasa niya lang ako. It is just like, until now, hindi pa rin nagsisink in sa sistema ko na mayroong isang taong nagmamahal sa 'kin nang totoo. I am really lucky that I have Van Alvarez in my life. I am lucky that of all the pretty and sexy girls in the city, na sa 'kin lang ang atensyon at pag-aalala niya.

"Anyways, nasabi na ba sa'yo kahit isa sa anim na may biglaang party sa bahay ni Van mamaya?"

"Hindi pa. Bakit daw? Para saan? Saka, kailan sinabi sayo?"

"Kanina lang, nung hinatid ako ni Bebi Kurt. Hindi ka pa pala nasasabihan. Sabay nalang tayo pumunta don."

"Baka wala talaga silang balak sabihin sa'kin. Baka hindi lang talaga ako imbitado, hahahahaha. Galit kasi sa'kin kagabi si Carlo dahil sa pagsama ko kay David e."

"Baliw, baka naman hindi 'yon ganon. Sumama ka nalang sa'kin. Tayo tayo lang naman 'yon e."

"Sana nga hindi ganon." Yun nalang ang sinabi ko. Bakit naman kaya may biglaang paparty yung anim na 'yon? May magse-celebrate ba ng birthday sa kanila ngayon?

"Hi, Miss Mahal koooooooo!"

Kaagad akong napasapo sa noo ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Like, seriously? Dapat bang isigaw niya 'yon sa loob ng cafeteria? Myghad! Nakuha niya lahat ng atensyon ng mga tao dito. And I am 101% sure na may mabubuo na naman silang amazing story tungkol sa'kin -_-

"I miss you, Miss Mahal ko!" Nakanguso pa siya habang lumalapit papunta sa table namin ni Abbi. Yung para bang gusto niyang salubungin siya ng halik -_-'

"Ano na naman kaya ang problema nito? >_>" Naibulong ko kay Abbi. Parang baliw kasi. Hindi ba siya nahihiya?

"Diba si Meagan yung palaging kasama dati ni Van? What happened now? Bakit ibang lalaki na naman 'to?!"

"Maybe, she can't live without boys. Umalis lang sandali si Van, kung kani-kanino na kaagad sumasama. Napaka landi naman talaga."

"Baka naman friendship lang sila? Hwag naman masyadong judgemental."

"Friendship?! 'Miss Mahal' ko ang tawag?! Don't me nga!" Sabi pa nung babae at saka umirap.

Napailing nalang ako. A dog really barks to the person who she really don't know. Ang ganda niyang example.

"Grabe, Miss Mahal ko. Bulungan ba 'yon o parinig? Ganyan ba talaga mga babae, konting pangyayari lang, madami na kaagad naiisip na hindi maganda tungkol sa isang tao? -_-" Tanong pa ni Ugok pagkaupong pagkaupo niya sa bakanteng upuan sa kinapupwestuhan namin. Humalumbaba pa siya at saka ngumuso.

"Kung hindi ka ba naman kasi isa't kalahating gago e. May pasigaw sigaw ka pa talaga! -_-"

"Malay ko ba sa kanila, tch. Hwag mo nalang pansinin, mas maganda ka sa mga 'yan."

"Alam ko naman 'yern. A very small thing." Sagot kong ganon. Bahagya naman siyang napatapik sa mesa at binigyan ako ng tingin na parang may nasabi akong 'di kapani-paniwala.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon