38: Date

40.4K 982 69
                                        

MEAGAN'S POV

"Ateeeeeeee!" Sigaw ni Luke mula sa ibaba.

"Problema mo ba?!" I answered while I am wearing my mickey mouse shirt. Yung bigay ni Van noong nag-away kami, remember?

"Sundo mo!"

"Sandali kamo!" Tinanggal ko sa ulo ko yung towel at saka kumuha ng suklay. Anak ng tokwa sa pagiging excited ang lalaking 'yon a -_- Sabi ko, 3pm hindi 2pm!

"Miss Mahal ko, hindi mo na kailangan mag-ayos nang sobra. Maganda ka sa lahat ng aspekto, hahaha." Rinig kong sigaw nung gago sa ibaba.

"Holol mo! Manahimik ka nalang diyan, David!"

Yes! Nandito si David sa bahay. Why? Kasi, pumayag akong lumabas kasama siya. Why? Dahil nakakairita ang kakulitan niya. Why? Basta! Noong nagpasabog siguro si Lord ng kakulitan, lunod na lunod ang kumag na 'yon. Hindi man lang siguro sumilong nang kaunti.

"Miss Mahal kooooo~ bilisan mo na."

"Mag-antay ka naman! Nagkikilay pa 'ko."

"Maganda ka na naman e." Sagot pa niya. "Aakyatin kita diyan kapag ako nainip!" Banta pa niya.

"Durog sa'kin 'yang mukha mo, subukan mo lang." Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ang hirap magkilay -_- Kilay is life kasi kaya kailangan laging perfect hahahaha.

"Wow, tapang naman my girl. Iloveyou, beeee~"

"Lol, nobody have me. Myself is mine! Iloveyou your face!"

"I'll make sure that you'll become mine. Sapakan kamo kami ni Van pag-uwi niya hahahaha."

"Asa ka namang mananalo ka sa kanya."

"Basta para sa'yo, Miss Mahal ko."

Ang gago, naiimagine ko na ngumingisi siya ngayon -_-

*iPhone ringtone*

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng kama ko. Except sa makulit na si David, yung mga gangster at si Abbi lang naman ang nagtetext sa'kin so I think, it's important. Ayoko nang umasa na may matatanggap ako galing kay Van.

Tinignan ko kung sino ang nagsend ng message. Kakaiba yung number. Katulad ng number ni Daddy na ipinangtetext kapag nasa Japan siya.

From: 00967531645124
I said don't you ever dare to look at somebody's ugly faces, right? I forgot to mention that going out with them is included to that.

Nanginig ang buo kong katawan nang mabasa ko ang text message na 'yan.

Hindi ako maaaring magkamali.


Si Van yan!



I can also hear his voice habang binabasa ko ang message. Myghaaaaad~

♪You can hear it in the silence, silence
You can feel it on the way home, way home.
You can see it with the lights out, lights out
You are in love, true love
You are in love♪

Calling...
00967531645124

Halos mapatalon ako sa kilig nang makita ko ang numerong 'yan na tumatawag sa'kin.
Halos hindi ko pa nga mapindot yung answer sa sobrang panginginig.

"V-Van?" I said pagkasagot na pagkasagot ko.

Tahimik sa kabilang linya. Mas maingay pa nga ang tibok ng puso ko e. Ayaw niyang magsalita.

"Van, is this you?"

Still, no answer.

"Its okay if you dont want to talk to me. I still didn't know the reason but it's really okay. Ibababa ko nalang."

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon