MEAGAN'S POV
Being with David for the half of the day? Hindi na masama. He's not boring. Actually, he's really good at making people angry. Char! Hahahaha, he's good at making people laugh. May puntos siya para ro'n.
"Bye, Miss Mahal ko. Labyube." Sabi niyang ganon na may kasama pang flying kiss.
"Ulol ka." Sagot ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt ko. "Umalis kana kaagad at baka hindi ko matantya 'yang pagmumukha mo."
"Yieee, nagsusungit na naman siya. Lalo siyang gumaganda sa paningin ko~" He said that with matching papisil pisil pa sa pisngi ko.
Tinapik ko ang kamay niya at saka lumabas ng sasakyan niya.
"Kapag nakita ko si Cyan, ikukwento ko talaga sa kanya kung gaano ka kalandi."
"Walang ganyanan. Para ka namang hindi kaibigan niyan, bes."
"At bakit? Sino ang nagsabi sayong friends tayo? -_-"
"Pati ba naman pagiging mag-bes natin, kailangan liligawan pa kita? Grabe ka naman sa kagwapuhan ko! Masyado mo namang sinasamantala." Nagdrama pa ang loko na may nalalaman pa talagang pasuntok-suntok sa manibela.
"Kapal ng mukha mo -_- Umalis kana! Sinasabi ko sayo, makakatikim kana sa'kin."
"Matitikman na kita?"
Literal na nanlaki ang mga mata ko. Ang putangina, manyakis talaga!
"Gago mo e 'no? Nakakadiri ka, namo ka! Alis na! Babasagin ko 'yang salamin ng sasakyan mo, makikita mo talaga." Akmang naghahanap na 'ko ng kung anomang bagay na pwede kong ipampukpok sa sasakyan niya.
"Joke lang naman! Hahahahahaha. Pikon mo e 'no? Heto na, aalis na baby mo. Kiss kana."
"Kiss mo puwet mo!"
"Mahirap po :("
"Tanginamo!"
"Hahahahahahahahahaha." With that laugh, umalis na rin siya. Sa wakas! -_-
"Ehem!"
Kaagad akong napalingon don sa taong tumikhim.
"Oy, Carlo, ikaw pala."
"Yep. Saan kayo galing non?" Lumapit siya sa'kin nang nakapamulsa at tila ba tinatanaw yung kaaalis lang na sasakyan ni David.
"Sa People's Park. Tumambay." Sagot ko sa kanya.
"Ah, nagdate." Patango-tango niyang sabi. "Alam ni Uno?" This time, tumingin siya sa'kin.
"O-Oo."
"Pumayag siya?"
"Alam niya na lumabas akong kasama si Dav—"
"Pumayag. Ba. Siya?" Madiin na tanong niya. "Babs, iba ang nagpaalam lang sa pinayagan."
Napatahimik ako. Hindi ko naman kasi alam kung pumayag ba si Van. Plus, sinabi ko nga pala sa kanya na hindi ako pupunta.
"Ang selfish mo, Babs."
Nagsalubong ang magkabila kong kilay sa sinabing 'yon ni Carlo.
"At bakit naman ako naging selfish? Dahil lang sa lumabas ako kasama si David, ganon? Sumama ako sa kanya dahil gusto niyang kahit pansamantala, maalis sa isip ko si Van! Para hindi ako mahirapan sa pagkakamiss ko sa kanya!"
"That's the point, Meagan. You're using someone to forget Van! And that someone is a guy! Ano sa tingin mo ang iniisip ni Van? Na gusto mo siyang kalimutan. You know what? He's missing you, badly! What will you feel if Van have a date with some woman just because he wants to forget you for a while? Okay lang ba 'yon sayo?"
BINABASA MO ANG
I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)
Teen FictionHindi akalain ni Meagan na mula sa isang boring at paulit-ulit na routine ng kaniyang buhay, sa isang iglap ay mababago pala ito nang dahil lamang sa isang gang leader na si Van. She never imagined dahil sa gangster na ito ay ma-eexperience niya pal...