MEAGAN'S POV
"Bakla! In-add ako nung David sa facebook! *U*" Kilig na kilig pang kwento ni Abbi sa kabilang linya. Kausap ko kasi siya ngayon sa telepono.
"So?" Taas kilay namang tanong ko sa kanya.
"Ang mga lalake, nakikipag-close ang mga 'yan sa bestfriend ng mga nagugustuhan nila. Magkaka-lovelife kana, 'te!" Tumili pa ito nang pagkalakas-lakas na naging dahilan ng pagkarindi ko.
"Ano ba?! Ang sakit sa tenga ng pagtili mo!" Bulyaw ko sa kanya.
Nakakaasar naman 'to. Yung David na naman na 'yon ang itina-topic tss. Wala naman akog pakielam sa isang 'yon.
"Sorry, nadala lang ng emosyon." Impit pa siyang tumawa.
"Sinabi ko na naman sa 'yo na wala akong balak na ipagpalit sa kung sinoman si Van, diba? Kaya please lang, tigilan mo na 'ko riyan sa David na 'yan. Hindi kami talo at wala akong balak na patulan siya."
"Sayang naman 'yon~" Nai-imagine ko pang ngumunguso siya ngayon dahil sa panghihinayang niya. "Pero sige, hindi na kita aasarin sa kanya. Gusto ko lang naman na magka-lovelife kana e T_T"
"Hindi ko 'yon kailangan sa ibang tao, Abbi."
"Oo na! Ikaw na ang loyal kay Van. Bye na nga, in-accept ko na pala yung David na 'yon hahahahaha."
"Susumbong kita kay Kurt -_-"
"Ipupush kita kay David! Ngudngod, ganern."
"No way for that~ Sayo nalang if you want."
"Kung pwede lang e, hahahahahaha."
"Letsugas ka =_=" Sagot ko.
Nagtalo pa kami bago niya pinatay nang tuluyan yung linya.
Pagkatapos naming mag-usap, binuksan ko ang facebook account ko sa phone ko. Titignan ko kasi kung nagreply na si Van sa chinat ko sa kanya kagabi.
Pinindot ko ang messages. Nadisappoint lang ako nang makita kong wala siyang nireply sa'kin. Sineen niya lang ako.
Wala man lang kahit 'okay'. Tss, kaasar.
Ini-long press ko ang chatbox namin ni Van at saka ko dinelete. Nakakabitter makita na nagsend ka ng 'Imissyou' tapos isiseen ka lang!
*chat tone*
David Nepomuceno
*active now*
Hi, miss mahal ko. :)
Seen 9:24am
Hindi ba titigil 'tong taong 'to? Seryoso ba siya sa pambubwisit niya sa'kin? -_-
I ignored his message. Buti pa 'tong David na 'to, nagchachat. Si Van, seen lang. Nakakaurat!
*chat tone*
David Nepomuceno
*active now*
Sarap naman ng seen mo :)
Seen 9:27am
Parang siraulo 'tong taong 'to.
*chat tone*
David Nepomuceno
*active now*
Isang seen pa, may crush kana sa'kin.
BINABASA MO ANG
I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)
Ficção AdolescenteHindi akalain ni Meagan na mula sa isang boring at paulit-ulit na routine ng kaniyang buhay, sa isang iglap ay mababago pala ito nang dahil lamang sa isang gang leader na si Van. She never imagined dahil sa gangster na ito ay ma-eexperience niya pal...