51: Wedding Proposal

39.7K 1K 105
                                    

MEAGAN PEREZ' POV

"Black coffee or with creamer?"Tanong sa 'kin ni Van.

May hawak siyang isang maliit na notebook at ballpen. Nakaupo kami sa isang bench. Nakatanaw ako sa swimming pool at pinapanood ang buong pamilya naming nagsisilangoy. Kaming dalawa nalang yata ni Van ang hindi pa nababasa. Ewan, pero kanina pa niya ako pinapipili sa dalawang bagay >_>

"With creamer."Sagot ko.

Nagsulat siya sanotebook na hawak niya. "Okay, My lady, I'll choose black coffee."

Ganyan siya magmula pa kanina. Kapag pumili ako, yung isang hindi ko pinili ang pipiliin niya.

"Lights off or lights on?"

"Off."

"So, I'm in lights on."Nagsulat na naman siya.

"Sweet or Spicy?"

"Sweet, My man -_- Para saan ba 'tong pagtatanong na 'to?"

Isinara na niya ang notebook niya at saka inilapag. Hinawakan niya ang kamay ko at saka isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"I just want to know you more."

"Ngayon mo pa talaga 'yan naisip?Diba dapat dati pa? -_-"

"E ngayon ko gusto e."Pinisil pa niya ang ilong ko sa pagsagot niya.

"Bakit pinipili mo yung mga hindi ko pinipili?"

"Opposite attracts."Simpleng sagot niya."Swimming na tayo?"

Umiling ako."Hindi ako marunong lumangoy"

"Weak mo naman po.Hahahahaha, tara turuan kita"Tumayo siya at saka ako hinila."Magpalit kana ng damit, doon tayo sa dagat"

Malapit kasi sa swimming pool ay isang dagat. Bale, ang tubig na nasa swimming pool ay nanggagaling sa dagat. Pinasadya raw talaga ito ng Mommy at Daddy ni Van noong ipinagawa nila 'to.

"Pwede na 'ko magswimsuit? >_> Baka tsansingan mo 'ko?"

"Wala kanina 'yan sa balak ko. But because you already mentioned it, sige, tsatsansingan kita"Nakangisi niyang sabi.

"Bata pa po ako, hwag po, hwag po!"Kunwarian ko pang tinakpan ang katawan ko. Natawa naman kami pareho.

"Parang tanga"Sabi pa niya na tatawa-tawa.

Nagpalit na ako ulit ng suot ko pagkatapos ay tumakbo na kami papunta sa dagat.

Akala ko, ako ang mapagnanasaan ni Van pero mukhang ang mga abs niya ang mamomolestya ko T.T Jusme! Bakit ibinigay sa 'kin ni Lord ang ganitong klaseng lalake na may perfect na pangangatawan? Napaka swerte ko naman po pala.

"My Man, saan mo nakuha ang peklat na 'to?"Turo ko sa peklat niya sa tagiliran. Pahilis 'yon at parang kutsilyo ang dahilan n'on.

"Second year highschool ako. Nakaaway namin yung kabilang school."Sagot niya.

Magkahawak ang mga kamay naming naglalakad sa tabi ng dagat.

"Bata ka palang basagulero kana talaga -_- Tsk, tsk. Paano ka ba napasok sa ganyan?"Curious na tanong ko.

"We had many teachers before na sobra kung manakit ng mga estudyante. Nakipag-deal ako sa isa sa kanila, one-on-one, kapag nanalo ako aalis sila tapos kapag natalo ako iki-kick out nila ako sa school. I won at sinigurado kong matutupad ang deal. Then, yung mga ugok kong mga kasama ngayon hinamon din ako at dahil wala silang binatbat sa 'kin, naging mga disipulo ko sila"

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon