MEAGAN'S POV
"So, this is our plan *blahblahblah*"
Napahikab ako. Sa totoo lang kasi inaantok na 'ko T_T Ang boring dito kanila Drake, sobra! Unlike sa bahay ni Van na never akong nakaramdam ng gan'tong boringness. Si Amy naman kasi e, nakakaantok yung boses. Alam niyo yung tipong pabulong na at parang ayaw niya nang iparinig sa 'min yung plano niya sa booth? Yung para bang teacher na nagtuturo pero parang bumubulong lang sa board? Sino nang nakaranas non? Taas paa!
Anyways, ito pa nga ang twist kay Amy. Parang si Drake lang ang gusto niyang kausapin dito sa grupo. Everytime kasi na magsusuggest kami, hahanap siya ng way para magkabutas ang suggestion namin na 'yon tapos kapag si Drake naman ang nagsalita, aba! Gorang gora ang lola niyo. Favoritism ba 'to?! Nakanamputs. =_____=
"Guys, maghahanda ako ng drinks, what do you want?" Tanong na ganon sa 'min ni Drake.
"Juice!" Sabi ng classmate kong si Chary.
"Water lang." Yun naman yung classmate kong si Chinchin.
"Tea." Si Angelika naman 'yon.
Iba iba talaga sila ng gustong inumin e 'no? E iba din ang gusto ko *pout* Midnight na kasi. Actually, dito na din kami kanila Drake nag-dinner. Siya ang nagluto. Wala kasi siyang ibang kasama dito kundi siya lang. May kapatid daw siyang babae pero nasa US daw nagbabakasyon.
"Anong iyo, Meg?" — Drake
Parang gusto nang bumagsak ng mata ko T_T
"Meg?" May naramdaman akong pumitik sa noo ko.
"Aray! *pout*" Sabi kong ganern sabay rub sa noo ko.
"Lumilipad na kasi ang utak mo e." Parang natatawa niyang sabi.
Ang lapit ng mukha niya sa 'kin. (_>>)
Magkatinginan kami ni Drake nang biglang may kung anumang parang kumalabog sa labas ng bahay ni Drake. As in parang may ibinatong kung ano malapit sa kinapupwestuhan namin. Agad agad namang tumayo si Drake para tignan kung ano 'yon. Binuksan niya ang bintana ng sala niya at saka sumilip sa labas. Nakiusyoso naman kami at nakitingin din do'n. May basag na paso malapit sa bintana. Parang ibinato.
"Anong nangyari d'yan?" Tanong ng kaklase ni Drake na si Harvey.
"Wala yan. May nagseselos yata." Sagot naman ni Drake na tatawa tawa pa.
"Nagseselos? Nang gan'tong oras? Walang pahinga a. Di uso tulog." Ako yon. Gara kasi, sinong tao ang magseselos kanino? Baka stalker ni Drake. Ang bangis naman pala ng charisma niya.
Isinara na niya ulit yung bintana. Ako na ang nagsuggest na magtitimpla ng inumin namin. Baka sakali kasing mawala ang antok ko. Overnight to, so ibig sabihin bawal matulog. Baka wala akong maging grade kapag nagpatalo ako sa mapanuksong antok na 'to.
"Meagan, do you want me to help you there?" Rinig kong sabi ni Drake mula sa sala.
"Hwag na, Drake. Kaya na niya 'yan. Usap usap nalang tayo dito." Boses ni Amy 'yon. Sinilip ko siya mula dito sa kusina. Ngiting ngiti ang gaga kay Drake. Halatang nagpapacute. Si Drake naman, walang pakialam. Nice! Manhid manhidan ang arte.
Nagtimpla na 'ko ng tea, juice, and coffee. Coffee yung sa 'kin. Pampawala ng antok. Pagkatapos, dinala ko na sa kanila.
"Can I taste your coffee, Meagan?" Si Drake na naman 'yon.
"S-Sure." Bakit kailangan niyang tikman?
Humigop siya ng kape at parang nilasap yung lasa. "It tastes good. Can you please make one for me?"
BINABASA MO ANG
I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)
Genç KurguHindi akalain ni Meagan na mula sa isang boring at paulit-ulit na routine ng kaniyang buhay, sa isang iglap ay mababago pala ito nang dahil lamang sa isang gang leader na si Van. She never imagined dahil sa gangster na ito ay ma-eexperience niya pal...
