MEAGAN'S POV
"Where is she?" Boses ni Van 'yon. Hinahanap niya ako.
"Nasa loob siya. Safe na nakatali." Tumawa yung lalaking kausap ko kanina.
"Pakawalan mo siya." Mukhang si Carlo ang isang 'yon.
May narinig akong mahinang tumawa.
"Bakit ko naman gagawin 'yon? Anong tingin mo sa'min, tanga?"
"Parang ganoon na nga." Balik na sagot ni Paul.
Hindi ko sila makita. Nakakaasar! Nasa anong klaseng lugar ba ako? Masama ang pakiramdam ko. Gusto ko nang umuwi.
Hindi ko na sila naririnig na nagsasalita. Ano na bang nangyayar—
Fvck!!
Wala akong ibang magawa kundi tumili nalang sa isip ko.
Nakarinig ako ng mga putok ng baril.
M-Mag-iingat kayo, Van.
CARLO'S POV
Unti-unting nagsilabas ang mga kampon ng kabilang gang. Puta, ang dami pala ng mga taong 'to. Mukhang kukulangin ang lakas namin, tch. Nabawas pa si Kurt dahil sa tama niya kanina nong hinahabol niya ang mga dumukot kay Babs.
"Uno, mukhang kailangan na nating tumawag ng iba pang back-up." Bulong ko kay Van.
Kanina pa nagsimula ang labanan. Hingal na ang iba sa'min, ang iba naman, nauubusan na ng bala.
"Kayo na ang bahalang kumontak sa kanila. I need to save Meagan as soon as I can. Dahil kung hindi, mas magiging malala pa ang mangyayari." Sagot naman ni Van sa'kin.
Naglagay siya ng mga panibagong bala sa baril niya at saka dahan-dahang lumalakad nang patago para makapasok sa loob ng warehouse.
"Mag-ingat ka, Uno. Kami na ang bahala sa iba. Iligtas mo siya."
"That's the first thing I will do. Mag-ingat din kayo."
Tumango ako sa kanya. Hinanap ko ang iba naming kasama at saka ako sumenyas na magtawag na sila ng back-up.
"Van Alvarez! Hayop ka, bakit ka nagtatago ngayon?! Duwag ka, hahahahaha." Sigaw ng isa.
"Lumaban ka nang patas, gago! Hwag kang magmatapang ngayon. Ilabas mo si Meagan, saka tayo magharap!" Sagot naman ni Van sa kanya.
"Ulol! Hahahahaha."
Mukhang nainis nang sobra si Uno kaya naman, inasinta siya nito ng baril sa kanang dibdib. Agad-agad na napatumba yung lalaki.
Nagpanic ang iba nitong mga kasama kaya naman inihanda ng iba ang kanilang mga sarili.
"Lumabas ka, Alvarez! Putangina mo, hwag kang magtago! Lumaban kayo sa'min ng mga duwag mong alagad!"
Duwag pala a!
Nagpalit na rin ako ng bala ng baril at saka ako nagpakita sa kanila. Pinaulanan ko ang iba ng bala. Isa isa na ring nagsilabasan sila Harry kaya naman, hindi kami nahirapang ubusin sila.
Pero...tangina! Patuloy pa rin ang paglabas nila.
"Fvck!" Napalingon kami kay Fean.
Tinamaan na siya.
"Ayos ka lang, gago?" Tanong ko sa kanya. Balik kami sa pagtago doon sa likod ng mga patong patong na mga sako ng kung anoman.
"Ayos lang. Shit! Tatamaan talaga sa'kin ang gagong 'yon!" — Fean
BINABASA MO ANG
I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)
أدب المراهقينHindi akalain ni Meagan na mula sa isang boring at paulit-ulit na routine ng kaniyang buhay, sa isang iglap ay mababago pala ito nang dahil lamang sa isang gang leader na si Van. She never imagined dahil sa gangster na ito ay ma-eexperience niya pal...