MEAGAN PEREZ' POV
"Micronutrient Deficiency, labanan natin 'to. May tibay araw-araw oh yeah, kaya natin 'to! ♪♪" Kinakanta ko 'yan habang pababa ako ng hagdan, may kasama pang steps. Magmula paggising ko, 'yan na kaagad ang nagplay sa utak ko habang nagliligpit ako ng higaan hahahaha.
"Mommy, tingnan niyo si Ate, good mood na good mood >.>" Paepal ni Luke. Kumakain na sila kaagad ngayon ng breakfast.
"Anong kinakanta-kanta mo r'yan, hija?" Tanong ni Daddy habang nilalagyan ng eden cheese ang tinapay niya.
"Masama bang kumanta?" Nakangusong sabi ko.
Ipinuyod ko ang buhok ko saka nakiharap sa hapag para kumain.
"Micronutrient deficiency hmm hmm hmm hmm hmm hmm♪♪" Paulit-ulit pa rin ang pagkanta ko. Sila naman, napapailing nalang sa 'kin.
Habang kumakain, napansin ko ang mga kahon na nakasalansan sa sala.
"Nagligpit na kayo? >.>"
"Oo, anak. Bukas na kasi tayo lilipat." Sagot ni Daddy. Napatango naman ako.
xxx
"Uno, may car show sa city hall mamaya, nood tayo! Marami raw mga chiks e. Tangina, men, marami na naman akong masisipat na bumper!!" Excited na sabi ni Harry.
"Ulol, manyak!" Ani Van na kasalukuyang nililigpit ang lunch box na pinagbaunan namin.
"Coming from you?" Mapang-asar pang ngumisi si Carlo.
"Change came na boy!" Sagot naman ni Van saka tumingin sa 'kin, ngumiti, at saka kumindat.
"Luh, creepy -_-" Kunwari pang nangingilabot yung dalawa.
"Basta, punta tayo. Bawal KJ dito." Sabi naman ni Fean at talagang no'ng binanggit niya yung salitang 'KJ' e siya namang tingin niya sa 'kin.
"Kailan naman ako naging KJ? -_-"
Nag-peace sign lang siya sa 'kin habang tatawa-tawa. "E kasi naman, Babs, nangangamba lang naman ako na baka hindi mo payagan itong si Uno na makasipat man lang sa mga naggagandahang chiks d'on sa Car show. Sexy ang mga 'yon saka makikinis." Parang nagliliwanag pa ang mga mata niya habang isinasaisip niya yung mga hitsura ng babae r'on. Halatang-halata mong may pagnanasa -_-
"Ano'ng maganda sa babaeng nakamicro shorts ha? Kayo talagang mga lalake, mahihilig sa mga babaeng nakamaong na panty!" Sinamaan ko sila isa-isa ng tingin.
"Grabe, Babs! Ang judgemental!" Kunwari pang nagdaramdam na acting ni Paul. May nalalaman pa kasing pa-walling.
"'Yan ba ang itinuturo sa 'yo ni Uno? Ang maging mapanghusga? L Tumingin ka sa bright side, Babs. Umaappreciate lang naman kami ng magagandang biyaya mula sa langit. L" Sunod na drama naman ni Gian.
"Biyaya mo 'to -_- Haynako. Bakit ba pinagsama-sama ang mga may sayad sa ulo? Parang mga engot."
"Sakit, Babs. Bilib na kami kay Uno, natitiis ka niya." Si Kurt 'yon. Lumapit pa siya kay Van at saka tinapik ang balikat nito. "I salute you, Bro! L"
Nakatikim naman siya ng kotong mula kay Van, kaya ayun, napakamot sa ulo si Kurt hahahaha.
"Sasama ka ba, Uno? Desisyon na agad, dahil kung hindi, kami nalang ang lalarga." Sabi ng mukhang naiinip na si Carlo. Mukhang excited din si gago kasi kahit narito pa kami sa canteen e suot-suot na ang helmet niya. Ready to ride na ang lolo Carlo niyo mga be.
BINABASA MO ANG
I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)
Teen FictionHindi akalain ni Meagan na mula sa isang boring at paulit-ulit na routine ng kaniyang buhay, sa isang iglap ay mababago pala ito nang dahil lamang sa isang gang leader na si Van. She never imagined dahil sa gangster na ito ay ma-eexperience niya pal...
