32: The note

43.5K 1.1K 54
                                    

MEAGAN’S POV

Hanggang ngayon, nagugulumihanan pa rin ako sa ikinilos ni Van kanina. Iba kasi yung lungkot ng mukha niya. Akala mo ay batang masayang nakikipaglaro tapos biglang pinauwi ng Mama niya. Nakaka-curious na ewan. Ayaw naman niyang magkwento -_-

To: Vantot Alvarez
Hey?
Sent

It’s been 16 hours but still, he did not contact me. Sabi niya tatawag siya o kaya magtetext. Nako naman! Matatapos nalang ang araw, natuyuan nalang ako ng laway, halos matae nalang ako kahihintay, wala pa rin -_- Paasa ‘yong kumag na ‘yon. Kotong talaga siya sa ‘kin >_<

I’m here at my room. Nakadungaw mula sa bintana at tinatanaw ang bahay ni Van. Nakapatay ang ilaw niya so it means na wala siya ro’n. Ewan ko ba kung saan-saan pa nagpunta yung lalaking ‘yon.  Tsk, hwag niya lang masubukang mambabae dahil talagang puputulan ko siya ng ulo. Parehong ulo!

Anyways, inilagay ko na dito sa kwarto ko yung mga messages galing sa lobo at yung envelopes. Souvenir ‘to sa animo’y pagkakasakit ni Van e. Bumawi siguro sa pang-iindian niya sa ‘kin no’ng debut ko. Nakita ko na din yung laman no’ng rectangular something na kasama no’ng teddy bear na nakalagay sa kama. Picture ko ‘yon na ipinaint. Hindi daw siya ang nagpaint no’n, pinagawa niya lang hahahaha. Inilagay ko sa ibabaw ng kama ko yung bear. Yung mga flower vase naman, sa apat na sulok ng kwarto ko inilagay. Hindi ko inalis yung mga pink balloons sa kisame ko, ang ganda kaya. *0*

So yun, napagdesisyonan ko nalang na mahiga sa kama ko. Makipagtitigan sa napakagagandang lobo, at magmuni-muni. Inaantok na ako pero ayoko pa sanang matulog dahil gusto kong hintayin yung pagtawag niya. Kaso, parang hindi na ‘yun mangyayari. Alas dose na e ;(

---

♪You can hear it in the silence, silence
You can feel it on the way home, way home.
You can see it with the lights out, lights out
You are in love, true love
You are in love♪

Nagising ang diwa ko nang dahil sa pagtunog na ‘yon ng cellphone ko. Agad agad ko namang tinignan kung sino ang tumatawag saka ‘yon sinagot.

"Bakit?"

"Let’s talk."

"About?"

"Anything, Basta, kahit ano."

"Bukas nalang, Van." *pout* Kanina pa 'ko antay nang antay sa'yo, kung kailan madaling araw na, saka ka pa makikipag-usap.

"Gusto ko ngayon na."

"Bakit?"

"Basta, tara na dito sa baba."

"Anong oras na o. Baka mapagalitan ako ni Mommy."

"I just want to talk to you right now. Please, come here."

Hindi ko alam pero parang may iba na naman akong nararamdaman sa kung paano siya magsalita. Nando'n na naman kasi yung lungkot. Alam kong meron dahil nararamdaman ko 'yon mismo kahit na nasa magkabilang linya lang kaming dalawa.

"Hintayin mo 'ko."

"I will. Kahit gaano pa katagal." He ended the call with that.

Agad agad akong tumayo mula sa pagkakahiga saka lumabas ng kwarto at dahan dahang lumabas sa bahay. Pagkabukas ko ng gate, nakita ko kaagad si Van na nakasandal sa gilid no'n.

"Thank Goodness!" He whispers tapos lumapit sa 'kin at saka yumakap.

"Madaling araw na, bakit ngayon mo pa naisipan na makipag-usap sa 'kin?"

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon